Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang mga bisig. Ramdam na ramdam ko na ang tibok ng kanyang puso. Ramdam na ramdam ko ang hangin na lumalabas sa kanyang mga ilong. Ramdam na ramdam ko rin ang kalinga na hinahanap ko sa mga yakap niya. Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ako nang diretso sa aking mga mata. Tinitigan niya ako ng ilang segundo habang paulit-ulit at walang hinto ako sa pag-singhap. Ngumiti siya sa akin habang hawak ng dalawang kamay niya ang aking mukha.
"Shhhhh, tama na please," dahan-dahan niyang pinupunasan ang mga luha na bumabagsak mula sa aking mga mata. Ngumingisi siya at nagpipigil ng tawa habang inaayos ang buhok ko na nakalaylay na sa mukha ko. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-singhap at 'di pa rin siya tumitigil sa pag-tawa sa akin.
"Bakit ka tumatawa? Nakakainis ka naman, e!" ani ko sa kanya habang paulit-ulit ko siyang pinapalo nang 'di kalakasan. Sinasanggi niya gamit ang kanyang dalawang kamay ang mga palo ko habang paulit-ulit na tinatawanan ako.
"E kasi you look like a child crying because of a bad dream, e. Isn't that cute? I find it cute, though," ani niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko at pinipisil ang mga palad ko. Hinila ko ang dalawang kamay ko at sinigawan siya ng "Che!" tsaka inayos ang buhok ko at sarili ko. Hinila niya ako at iniharap ulet sa pwesto niya tsaka niya ako ulet hinawakan sa mukha at tinitigan nang diretso.
"Look, I like you that way. Hindi ka naman panget kapag nag-tatantrums ka, e. Actually, I like you more that way. 'Wag ka na mag-tampo, please," hinihila niya ako papalapit sa kanya pero todo tanggi pa rin ako na sumama at umupo sa tabi niya. Wala akong magawa nang binuhat niya ako sa bewang ko atsaka ibinalik sa kinauupuan namin. Iniupo niya ulet ako doon sa dati kong pwesto. Paulit-ulit akong lumalayo nang upo sa kanya habang siya naman ay paulit-ulit na lumalapit sa pwesto ko.
"Hey, stop it. Halika nga rito," sambit niya gamit ang natural na seryosong boses niya. Niyakap niya ako sa bewang ko atsaka ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. Wala akong magawa. Gusto ko man sana tanggalin ang kanyang mga kamay sa aking bewang, hindi ko kaya.
"Would you mind if I ask you to tell me what your dream was all about?" this time ako na mismo ang humarap sa kanya. Bago man ako mag-simula sa kwento ko, naiyak ulet ako habang inaalala kung ano nga ba talaga ang gusto iparating no'ng panaginip ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at in-pat niya ito nang paulit-ulit hanggang tumahan ako. Forbe really knows how to calm me down. He knows how to deal with me. He knows how to make me feel okay no matter how awful my day was. He has his own special way to make me feel special.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)