Ikaapat na Kabanata: Nahuhumaling

550 24 4
                                    

Chapter 4: Nahuhumaling

Tinawag ni Forbe ang pangalan ko nang tumakbo ako papunta sa mga kaibigan ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Ngumiti siya sa akin at itinapat ang dulo ng kanyang mga daliri sa kanyang kilay at parang sumaludo. Hindi ko alam kung bakit parang natunaw at nanghina ang buong buto ko sa ngiti niyang iyon. Ang buhok ko na itinatago ang buong mukha ko ay parang hinangin patalikod. Parang nagsisimula nanama kami sa una. Kumbaga sa larong basketball, back to zero kami ulet.



Humarang sa harapan ko ang mga kaibigan ko at nagsipagngitian. Isa-isa ko sila hinila at hindi ko na sila pinapunta kay Forbe. Itinulak ko ang pintuan at sinulyapan siya nang mabilisan. Saktong-sakto matapos kong isara ang pinto hinugot ako ng mga kaibigan ko at pinalibutan ako.



"Lourdes! Sino 'yong poging lalaki na makalaglag panty na kausap mo?!" Sigaw ni Armie habang humihigpit ang hawak niya sa braso ko. Hinawi ko ito at sumulyap sa kanilang dalawa.

"Kaibigan," sabi ko sa mahinahong boses at pautal-utal na pagbigkas. Itinulak ni Bella si Armie at siya naman ang humarang sa harapan ko. Isinabit niya sa kanyang taenga ang kaunting buhok na nakalaylay sa mukha niya at ngumiti na halatang kinikilig.

"Anong buong pangalan niya?" Tanong ni Armie habang paulit-ulit na nagpapaganda sa harapan ko. Tinaasan ko ang kilay ko at pinipigilan kong tumawa. Hindi ko rin alam kung bakit ko ba naging kaibigan ito kahit na sobrang magkakaiba talaga ang mga hilig namin at mga attitude namin.



"Forbe, Forbe Jiro Ting," Nang sinabi ko iyon ay para silang mga bulate na binuhusan ng asin. Akala ko nasasaniban na sila sa sobrang kilig nila. Nahihiya na ako sa sobrang dami ng tao na nakakakita sa kanila!



"Jusmiyo marimar! Pangalan pa lang kanin na! What more pa ang mukha?! Dinaig pa ang lechon sa sobrang sarap! Pigilan niyo ako! Lalandiin ko iyon!" Nanlaki ang mata ko at parang naalarma ako sa narinig ko. Bigla na lang akong napasigaw ng "Wag!" at napatingin lahat ng tao sa akin. Ibinaba ko nanaman ang buhok ko para maitago ko ang mukha ko sa kahihiyan na ginawa ko.



"Anong 'wag ka d'yan?! Kaibigan kita Lourdes, maawa ka na sa akin. Akin na lang si Forbe! Maawa ka! Ililibre na lang kita ng ihaw-ihaw, akin na lang siya!" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dito kay Armie. In-offeran pa talaga ako ng ihaw-ihaw. Para namang kayang tapatan nun 'yung nararamdaman ko kay Forbe. Hinawakan ni Bella ang braso ni Armie at iniharap niya ito sa kanya. Nagtitigan sila sa mata at natakot ako. Huwag mong sabihin na magsasapakan sila? Ang seryoso kasi ng tingin nila sa isa't-isa!



"Kung may gusto ka, sa aking mahal. Kung may balak kang, agawin siya. Itsura pa lang, sayo ako'y lamang na." Kung hindi ako nagkakamali, 'yun 'yung kanta ni Angeline Quinto na Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin. Sumasakit ang ulo ko sa pinaggagawa nilang dalawa.Iniikot ko na lang ang mata ko at naglakad palayo sa kanila.



"Lourdes! Huminto ka d'yan! May tanong pa kami, friend!" Napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahan na umikot sa kanila. Mukhang hindi na talaga nila ako tatantanan. Kung mga kaibigan ko nga nababaliw na kay Forbe, sigurado akong buong school ganun din ang impression sa kanya.



"Kung kaibigan mo lang siya, bakit ganun kayo mag-usap kanina?! Ang dikit-dikit! Tapos ang ngiti mo kanina kakaiba! Ay naku, sabihin mo na! Kami kaibigan mo kami kaya alam na namin ang takbo ng ngiting 'yan! Maharot ka ha! Maharot!" Itinaas ko ang isa kong kilay at lumapit sa kanila. Piningot ko ang mga taenga nila. Mga ito, kung ano-ano ang mga pinagsasabi, palibhasa sila ang mga tunay na maharot.



Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon