Mugto na ang aking mga mata at basang-basa na rin ang aking mga unan dahil sa pilit kong inuubos ang natitirang bigat sa dibdib ko. Pero bakit ganun? Kahit ilang iyak ang gawin mo tila hindi siya nababawasan? Paulit-ulit akong nilalapitan ni Mama sa kwarto ko na kahit alam niyang gusto kong mapag-isa ay may oras na pinipilit niya akong kausapin. Wala ako sa wisyo. Kahit gustong-gusto kong makinig ng mga salita na kahit paano ay papagaanin ang pakiramdam ko, kinaaayawan ng utak ko. Lahat ng gustong tanggapin ng utak ko e kinaaawayan naman ng puso ko. Daig ko pa ang napundihan ng ilaw sa gitna ng bagyo. Pakiramdam ko sobrang pundido na ako sa loob na kahit simpleng bagay e hindi ko magawa.
Ganito pala 'yung pakiramdam nang biglang naiiwan sa ere na wala ka man lang kaalam-alam kung saan ka babagsak o kung kaya mo pa ba bumangon pagkatapos mo malaglag. Hindi ko na makilala sarili ko. Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko kung bakit ko mas piniling Mahalin si Forbe kahit alam ko namang sa bandang huli, roon siya sa una babalik. Kasalanan ko nga ba talaga na bumigay ako o natural lang na sa tulad kong matagal na nag-aasam ang kabigin kung ano ang sa tingin ko ay para sa akin?
"Lourdes, nasa labas si Forbe. Paalisin ko na ba?" marahan na tanong ni Mama habang dahan-dahan siyang sumisilip sa pintuan ko. Marahan akong tumingin kay Mama at dagli kong kinuha ang salamin na nakalapag sa lamesa. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko kahit wala akong rason para alalahanin pa siya.
Sumilip ako sa bintana kung saan kita ang lugar na kinatatayuan ni Forbe. He was patiently waiting there in front of our gate, with a bouquet of flowers and chocolate on both of his hands.
"Lourdes, 'wag kang lalabas. Pilitin mo sarili mo na mabuhay na wala siya dahil kahit kailan, hindi mo siya pwedeng makuha. Sasaktan mo lang ulit sarili mo," paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko para kahit paano ay matauhan ako. Kahit anong gawin kong pagkumbinse sa sarili ko, gustong-gusto ko pa rin bumalik sa kanya. Kusang gumagalaw ang mga paa ko patungo sa kanya kahit ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na "tama na, maawa ka naman sa sarili mo".
"Ano, Lourdes? Paalisin ko na ba?" Tanong ni Mama. Tumango lang ako at dahan-dahan naman niyang isinarado ang pinto. Sinisilip ko sila sa bintana ng kwarto ko at mahinahon naman siya kinakausap ni Mama. Hanggang dumating sa punto kung saan iniabot na lang ni Forbe kay Mama ang dala niyang bulaklak at tsokolate.
Inilapag ni Mama ang mga ito sa kama ko. Gaano ko man kagusto hawakan ang mga ito, mayroon pa ring pumipigil sa akin na 'wag tatanggapin ang kung ano mang bagay na ibinigay niya dahil parang tinatanggap ko pa rin siya sa buhay ko kahit dapat, hindi na.
Ilang minuto ko ito tinititigan, ilang minuto ko ring pinagiisipan kung bubuksan ko ba ito o voluntary kong itatapon sa basurahan. Kahit ano pang pigil ang gawin ko sa sarili ko, kusa pa ring pumunta ang mga kamay ko papunta sa mga gamit na nasa kama ko. Hindi ko pa rin talaga madiktahan ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya maalis sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)