Paulit-ulit akong nakakaramdam ng tapik sa aking kanang braso. Akala ko nananaginip lang ako kaya hindi ko pinapansin. Naririnig ko na ang yapak ng maraming tao kaya pinilit kong idilat ang isa kong mata. Doon bumungad ang mukha sa akin ni Forbe na nakatingin sa akin at pinagmamasdan akong matulog. Agad-agad akong napaayos nang pagkakaupo at inayos ang buhok ko. Naging conscious ako dahil sa itsura niya, parang hindi siya natagtag sa byahe. Samantalang ako, pakiramdam ko parang sinabong ako ng inahing manok sa itsura ko. Pinunasan ko ang mukha ko baka sakali may mga bakas na naiwan sa pagkakatulog ko. He just looked at me and again, he smiled and put his shades on.
"Manong, manong! Nasaan na po tayo?" tanong ko sa konduktor na isa-isang chinecheck ang mga upuan. Ngumiti siya at sinabing nasa Zambales na kami. Tinignan ko ang bintana ng bus at nakita kong nasa terminal na nga kami ng Zambales.
"Ano? Shall we go now?" ani ni Forbe. Tumayo siya sa kinauupuan niya at nag-stretch sa harapan ko pa mismo. Naaligaga ako at tumayo sa kinauupuan ko tsaka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. Buti na lang wala kaming dalang gamit at hindi ganun gaanong ka-hassle. Bumaba kami ng bus at sobrang tirik na tirik ang araw. Where did Forbe get his sun glasses?
"And now where are we going?" humarap siya sa akin at inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa ulo niya. Lahat na lang ng tao nakatingin nanaman sa kanya. Mamaya akalain nilang may shooting ditto sa lugar na ito dahil kay Forbe. Nahihilo pa rin ako sa byahe kaya hindi ako makapagisip ng maayos.
"Miss, saan po pinakamalapit na hotel dito or any place na pwedeng pag-stay-an?" naglakas loob na akong lumapit sa mga taong nasa tabi ko.
"Marami naman po. Pwede kayo sa Potipot Gateway, Anawangin Cove, sa Hotel sa Sports Complex at marami pa naman pong choices," sa sobrang dami nang sinabi ni ate, hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Kasalanan ko nanaman kasi ito, e. Bakit ba kasi dito pa kami napadpad ng tadhana ni Forbe kung pwede naman doon sa mga lugar na mas kabisado ko.
"Okay po ate. Salamat po," hindi ako mapakali kakaisip kung saan kami tutuloy buong gabi. Hindi naman pwedeng bumalik kami kaagad at sobrang haba ng byahe na tiniis namin. Naglakad-lakad na lang kami hanggang makakita kami ng lugar kung saan kami pwede mag-stay panandalian pero wala kaming makita. Lalo na at sobrang init pa ng panahon.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)