Ikadalawampu't tatlong Kabanata: Takipsilim

283 11 10
                                        

Hindi namin inaalis ang aming mga mata sa bawat board na makita namin. Baka kasi malampasan naming ang San Narciso kung saan gaganapin 'yung Summer Siren Festival na gustong puntahan ni Forbe. Hindi rin naman ako pamilyar sa lugar na ito dahil ngayon lang din ako nakatapak sa Zambales. Tinititigan ko siya at mukhang excited na excited siya sa makikita namin mamaya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at tumaas ang kanang kilay niya tsaka ngumisi.




"Why? Is there something wrong?" pa-cute na tanong niya sa akin habang inaayos ang cap na binili niya kanina. Tiningnan ko siya nang seryosong tingin atsaka itinaas din ang kanang kilay ko.






                                                 

"So, anong meron dito sa Summer Siren Festival na ito?" umayos siya nang pagkakaupo niya atsaka dahan-dahan na humarap sa akin at inilipat sa aking ulo ang cap na kanina ay suot-suot niya. Tinanggal koi to at ibinato ko sa kanya pabalik. Ginagawa akong bata nitong lalaking ito!

 






"It's actually an ideal place for people who love music. There will be guestings of different local bands who will perform every night. You'll meet new acquiantances, appreciate music more than you do before and more. Promise Lourdes, you can hate me for the rest of your life if you didn't appreciate this event. I've been here more than once!" napa-facepalm ako at napahawak sa ulo ko sa lahat nang sinabi niya sa akin. Alam naman niya at alam kong simula pa lang nang magkakilala kami at mahaba pa ang palda ko at mukha pa akong mangkukulam ay hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay. Bar? Inuman? Party? Gosh, Forbe! Kailan pa nahilig si Lourdes sa mga ganitong bagay!





"So, masaya ka na niyan? Kaya naman pala gustong-gusto mo at pang-burgis naman kasi ang event na ito," napakamot siya sa ulo niya at kinukulit ako kakatanong kung ano ba ang ibig sabihin ng "burgis" na kanina pa niya naririnig mula sa akin.






 

"Burgis, 'yun 'yung term to call rich kids. Inosente pa kunwari. Mga rich kid 'di ba mahilig sa party-party? Mga rich kid mahilig sa inuman tapos kapag wasted na, kanya-kanyang MOMOL d'yan sa gilid-gilid kahit kakakilala lang. Jusko, not my type. That's so out of my interest," humagalpak siya sa tawa kahit kanina ko pa siya nilait-lait at parang inaalipusta ko na nga siya sa pag-gegeneralize ko ng mga taong katulad niya. Akala ko maiinis at i-dedefend niya sarili niya pero hindi, tumawa lang siya at tinignan lang ako.





Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon