Tanging ihip ng hangin, ang kaluskos ng mga dahon sa bawat puno, ang tunog ng alon sa dagat, ang ingay ng banda na kanina pa tumutugtog at ang mahinahon at buo na boses ni Forbe lang ang naririnig ko. Nararamdaman ko pa rin ang pag-tapik niya sa braso ko hanggang tuluyan nang lumabo ang paningin ko at naging tahimik na lamang ang buong paligid.
Wala na akong marinig.
Wala na ang mga tapik.
Wala na ang boses na humehele sa akin pero nararamdaman ko pa rin ang balikat niya. Ayaw kong idilat ang aking mga mata dahil alam kong papabalikin lang ako sa tulog ulet ni Forbe. Ngunit, nakakapanibago ang biglang katahimikan. Nakakatakot at biglang nawala ang maingay na banda. Mas lumamig ang simoy ng hangin at mas lalong nanlamig ang buo kong katawan.
Idinilat ko ang aking mata at laking gulat ko at sobrang dilim ng buong paligid. Wala na ang mga malalaking ilaw, wala na ang malalakas na tugtugan at wala ng ibang tao. Tanging ang bench na kinauupuan lang namin ang nakikita ko habang ang lahat ng nasa paligid naming ay sobrang dilim. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko at tumayo habang tinititigan ang buong paligid. Kahit isang tao wala akong makita, tanging ang bench na inuupuan namin ang may ilaw.
"Fo-Forbe, an-anong nangyayare?" lumingon ako sa pwesto niya at laking gulat ko ay wala siya sa pwesto kung saan huli ko siyang nakita. Napaatras ako nang ilang hakbang nang bumungad sa akin ang isang lalaking naka-itim na coat at itim na pantalon. Namumukhaan ko siya! Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yong lalaking nakita naming sa airport noong araw na nagising kaming lima. Siya 'yung lalaking may pakana nang lahat ng ito! Hindi ako pwedeng magkamali.
Ngumiti siya sa akin atsaka kumaway. Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita. Gusto kong tumalikod para ilayo ang tingin sa kanya ay hindi ko rin magawa. Tumatagaktak na ang pawis sa buo kong mukha habang nagkakatinginan kaming dalawa. Dahan-dahan siyang tumayo sa kinauupuan niya at dahan-dahan na pinagpag ang coat niya. Hindi pa rin niya inaalis ang ngiti sa mga labi niya at doon mismo ako mas lalong natatakot.
"Kumusta ka na Lourdes?" mahinahon na tanong niya habang dahan-dahan niyang ipinapasok ang kanyang kamay sa bulsa niya. Nakatingin sa malayo habang wagas na nakangiti sa hangin.
"Bakit ka naandito? Nasaan si Forbe?! Ano pang ginagawa mo dito?!"pinipilit kong tapangan ang boses ko kahit sa loob-loob ko ay natatakot ako. Nanginginig ang kamay ko at nanlalamig ang buong katawan ko. Na sa bawat salita na aking binabanggit ay tila luha na ang susunod sa mga ito. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at dahan-dahan din niyang inilalapit ang kanyang kamay sa balikat ko. Umurong ako nang kaunti at iniwasan ito. Ngumiti lamang siya at ibinalik ang tingin sa malayo.
"It looks like you are enjoying this level," pinipilit kong hindi tumingin sa kanya, ngunit nang sinabi niya ang mga salitang iyon, hindi ko napigilan ang sarili ko kung hindi ang tumingin sa kanya at mag-tanong kung ano nga ba ang gusto niya.
"Anong sinasabi mo? Sino ka ba at bakit hindi ka pa rin nawawala sa buhay namin?!" pumikit siya tsaka umihip ang malakas na hangin. Matapos nun ay lumingon ulet siya sa akin atsaka humarap.
"What if I tell you that I'm your Godfather? That all these challenges, events and everything are real? Paano kung sabihin kong everything that is happening right from that start isn't just a dream? Na lahat nang naranasan mo, nararanasan mo at mararanasan mo ay totoo at walang halong biro?" doon pa lang, biglang nag-seryoso ang kanyang mukha. Doon ako mas lalong nanlamig at nanghina. Napaupo ako sa bench at napahawak sa sandalan nito.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)