Kabanata Lima: Maling Desisyon

581 19 1
                                        

Napapansin kong kanina pa ako nakatingin sa salamin. Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ko rito. Tinitignan ko ang buhok ko, ang damit ko at ang buong katawan ko. Halos mga thirty minutes na ata akong naandito. Ano ba kasi ang gusto kong gawin sa sarili ko? Kinuha ko na lang ang suklay at isinuklay ang buhok ko. Tinignan ko ang oras sa relo na nakakabit sa kanang kamay ko. Twenty minutes na lang at male-late na ako sa first class ko!



Tumakbo ako palabas ng kwarto at kinuha ang bag ko na nasa sala. Nagluluto si Mama sa kusina kaya nagnakaw na lang ako ng halik sa kanya patalikod. Dumating ako ng school na hingal na hingal at hinahabol ang hininga. Nakita kong maraming estudyante ang hindi pinapapasok sa loob ng gate. Tinignan ko ang ID ko at suot ko naman. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gate nang biglang may humila sa akin.



"Ui! Saglit," ngiti sa akin ni Forbe habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay niya na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Shocks! Hinolding hands niya! Iniyuko ko ang mukha ko at itinago ko nanaman ang mukha ko sa aking buhok. Nahihiya ako at baka makita niyang mamumula ang mukha ko. Dahan-dahan niyang binibitawan ang pagkakahawak sa aking kamay at kumamot sa kanyang ulo.



"Ba-bakit Forbe? Hindi ka pa papasok?" Ngumiti siya at napakamot uli sa ulo niya. 'Yung mga ngiti niya, hindi ko na makita ang mata niya. Nakikita pa kaya niya ako kapag nakatawa siya?



"Wala kasi akong ID nakalimutan ko," tawa niyang sabi habang nagkakamot ng ulo. Wala pa lang ID ang lokong ito. Tinanggal ko ang ID ko at iniabot ko sa kanya ito. Napatingin siya sa akin at medyo gulat.



"Te-teka, ID mo 'yan. Paano ka makakapasok?" tanong niya habang itinutulak palayo ang kamay ko. Iniabot ko sa kanya ito at mas lalo siyang tumatanggi.



"I have my Theater Membership card. Kunin mo na ito, basta dire-diretso ka lang. Akong bahala." Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahan niyang kinuha ang ID na hawak-hawak ko. Inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Mabilisan ko naman itong inayos at baka makita niya ang namumula kong mukha.



Dire-diretso siya sa paglakad at natatawa ako sa kanya. Bakit ganito siya umakto? Nagiging cute siya sa paningin ko dahil sa mga ngiti na ginagawa niya. Hinarang ako ng guard at tinignan kung may ID ako. Ipinakita ko ang ID namin sa theather club at buti naman ay pinapasok ako. Nagpatuloy akong naglakad papunta sa first class namin ngayong umaga.



Binuksan ko ang pintuan ng room namin at buti na lang wala pa si sir! Napatingin at napahinto ang lahat ng kaklase ko at napatingin sa akin. Napangiti ako kanina nang malaman kong wala pa si sir, biglaang balik sa seryosong mukha naman ang ginawa ko nang tinititigan nila ako. Alam kong nilalait na nila ako sa mga utak nila habang nakatitig sila. Isinarado ko ang pintuan at dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan ko. Napaurong ako nang biglang umakbay si Forbe sa akin. Napatingin ako sa kanya at sobrang gulat ang mga babae kong mga kaklase. Nanlaki ang aking mata at tinanggal ang kamay niya. Inayos ko nang mabilisan ang buhok ko at dumiretso na umupo sa upuan ko. Yumuko uli ako at itinago ang mukha ko sa buhok ko. Naglakad siya sa upuan niya at dahan-dahan na umupo. Tumakbo si Justin, Kristine at Carmen papunta sa akin. Tinitignan nila ako at si Forbe. Mas lalo akong nahiya tuloy tumango!



"Lourdes! What is the meaning of this?" Tanong ni Kristine sa boses na medyo natutuwa. Umiling lang ako nanatili na nakayuko.



"It is true. Memories fade;but, heart never forgets." Ngiti na sabi ni Carmen. Anong pinagsasabi nila? Wala akong alam! Kasalanan kasi ito ni Forbe, e. Sa kinarami-raming lugar na pwedeng akbayan niya e sa bakit sa harap pa ng mga kaklase namin! Patay nanaman ako nito. Malamang pinatay na nila ako ng ilang beses sa mga utak nila.



Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon