Ika-anim na Kabanata: Ngiti Sa Labi

576 18 0
                                        

Ang tagal ng jeep! Kanina pa ako naghihintay dito sa kanto e wala pa akong masakyan-sakyan. Kung hindi puno e hindi naman aabot doon sa tapat ng eskwelahan ko! Naku, patay nanaman ako nito sa first subject ko. Napatingin ako sa relo ko at ibinaling ang tingin ko doon sa daan. May kotse na dumaan sa harapan ko at mukhang namukhaan ko kung sinoa ng nag-dadribe. Si Forbe 'yun ah?! Teka, hindi man lang ako hinintuan at tinanong kung gusto ko bang sumakay? Galit pa rin ata ang lokong ito sa akin!

Hiningal ako matapos kong takbuhin mula sa kanto ng school hanggang dito sa loob ng campus nang walang hintuan.  Napahawak ako sa isang bakal na nakakabit sa isang pader. Dahil siguro ito sa bakya na suot-suot ko atsaka sa palda ko na nililimitahan 'yung laki nang hakbang na gagawin ko. Matapos akong nagpahinga ay inayos ko ang buhok ko na gulo-gulo. Itinago ko nanaman ang mukha ko sa buhok ko. Naandito nanaman kasi ako sa school, kailangan magtago nanaman ako sa shell ko.

Naglakad ako papunta sa room namin, sakto at second floor papanaman 'yon. Napahinto ako sa paglalakad nang may sumigaw sa likuran ko. Lumingon ako nang dahan-dahan at tinignan sila.

"Oh my gosh, are you really not scared with your own face? Look at you!" Tumingin na lang ako sa kanila nang seryoso at naglakad ako palayo. Binangga sila ni Kristine sa likuran nila at dahan-dahan na humarap sa kanila at hinawi ang buhok niya. Tinaas niya ang kilay niya at tinignan from head-to-foot ang mga babaeng nanglait sa akin. Shocks! Naandoon pa rin 'yung ganda at angas niya kahit biglaang ikot pa ang gawin niya.

"Well, well. Aren't you getting scared to your whole character? You overgrown living mushrooms and oddly-dressed with cheap and unbranded clothes?! Get our in her way, ok? Do you want to be buried on the same spot where you are standing at? Shut the f*ck up, ok? Excuse me, ladies." Inihawa nang malakas ni Kristine ang buhok niya at tumama ito sa mga mukha nung mga babaeng tumatawag sa akin kanina. Napahinto ako at napahawak nang mahigpit sa palda ko. Hinila ni Kristine ang kamay ko at naglakad na palayo. Tinititigan ko siya at sobrang ganda niya! Nandoon pa rin talaga ang poise at angas niya kahit anong gawin niya. Kahit babae at lalaki napapatingin sa nadadaanan namin. Nakakahiya tuloy tumabi sa ganda at lalong na-eemphasize ang kapangitan ko.

"My gosh! I don't know how  long could I stay doing this charity work for our company! I would probably die in a minute!" Pinapaypayan niya ang sarili niya gamit ang kamay niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"You see it already, Lourdes? That's you deal with 'em. Never let them belittle and insult you all the time. Even heroes have to fight back after many pains they had endured." Mas lalo akong napayuko at itinago nanaman ang mukha ko sa buhok ko. 

"Wait, don't get me wrong! I don't mean to get you offended! Omg! Sorry, Lourdes! That's now what I meant talaga." Ngumiti ako sa kanya at sinabi kong ok lang ako. Hindi pa nila magets ang ugali ko kasi ibang-iba talaga ako noong magkakasama kami sa isla. Hindi ako 'yung tulad dati na hindi takot ilabas ang mukha ko lalo na at alam kong tanggap naman nila ako.

Pumasok siya sa room at naandoon si Carmen at Justin. Lumapit si Justin sa kanya at binigyan siya ng bulaklak. Kinuha 'yon ni Kristine at ibinato niya sa bintana. Doon, nagsimula na silang nag-away. Napangiti na lang ako habang tinitignan sila at hindi talaga sila nagbago. Bago ako pumasok sa loob, kailangan ko na munang mag-CR para hindi na ako lalabas siguro mamaya. Isinarado ko ang pintuan at pumunta ako sa bandang gilid ng first floor para mag-CR.

Matapos nun ay lalabas na sana ako para pumasok sa room. Nakita kong naandoon si Forbe at ang ilan niyang tropa na nagtatawanan. Hindi ako makakapasok at dadaan ako doon sa harapan nila. Makikita nila ako at mapapansin nila ako! Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung hindi naman ako pupunta, malelate nanaman ako. Kailangan lakasan ko na ang loob ko!

Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon