Kanina pa kaming dalawa ni Justin na naghihintay dito at nag-aalala sa kanilang dalawa. Matapos nang paulit-ulit na malakas, at matining na mga sigawan nila Carmen and Kristine, hindi na namin magawang maging kampante sa kung nasaan man kami nakatayo sa ngayon. Hindi rin namin maiwanan ang kotse sapagkat narito ang mga bagay na kailangan namin. Matapos ang halos isang oras na palakad-lakad namin ni Justine palibot sa kotse kakaisip, nakita namin mula sa isang 'di gaanong malayo na distansya sina Carmen and Kristine. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko silang dalawa.
Ilang oras, ay nakaalis na rin kami sa kinatatayuan ng kotse namin kanina na tila ay matapos ang ilang oras nang paghahanapan, ay sa wakas, napagdesisyunan na rin kaming paalisin ng tadhana. Sa loob ng kotse, ikinwento sa amin ni Carmen ang lahat ng bagay na tumambad sa kanya sa dulo ng islang iyon. Ipinaliwanag niya ang lahat nang sinabi ni Theve at ang lahat nang napagusapan nila. Tahimik lamang kaming tatlo sapagkat alam namin kung gaano kahirap para sa kanya na ikwento ang huling pamamaalam nila para sa isa't-isa. Gayunpaman, ramdam naming mas lumuwag ang pakiramdam niya. Nagagawa na niyang ngumiti. At yun ay yung mga ngiting hindi mo talaga masasabi na pilit lamang. Pakiramdam namin ay panatag na ang kalooban niya at wala na siyang pangamba pa. Dahil sa huling pagkakataon, naramdaman niya na kahit gaano siya katagal na naghintay, hindi siya iniwanan noong taong pinakahihintay-hintay niya.
Ilang oras din ang tagal nang biyahe kaya bawat isa sa amin ay nakatulog na. Babalik na kami sa riyalidad kung saan kami unang nag-simula. Isa-isa kaming ibinaba ni Justin sa aming mga bahay, nauna si Carmen at sumunod ako. Bago man ako tuluyan na pumasok sa loob, lumapit si Kristine sa akin at niyakap ako.
"You're going to be alright, girl. We got your back. Keep that smile shinin' and redeem yourself, okay? I love you," after which, she kissed me on the cheeks and entered the car. Ang tahimik ng kalsada. Bakit habang naglalakad ako papunta sa kanto namin ay wala akong nakikita ni isang tao? Hindi na ako nabahala at dumire-diretso na ako sa paglalakad.
Sa bawat hakbang na ginagawa ko, iniisip ko kung masaya na ba sila Forbe at Georgina ngayon? Okay na kaya sila? Napatawad na kaya niya si Forbe? itutuloy ba nila ang kasal? Tama lang ba na isinuko ko siya sa kanya matapos kong pangakuan na this time, ako naman ang lalaban para sa kanya? Maraming laro ang naglalaro sa isipan ko at yung pakiramdam na wala akong mapagsabihan ng mga ito, napakabigat. Naalala ko, dala-dala ko 'yung voice recorder na binigay ni Forbe sa akin noon. It's time for me to make my own entry.
Paulit-ulit akong nagsasalita at naglalabas ng sama ng loob dito dahil ang sarap sa pakiramdam na may nakikinig sayo at walang huhusga sa'yo kahit ilang beses ka nang nagpakatanga para sa iisang tao. Tinatanggap lang ng recorder na ito lahat ng hinanaing ko hanggang kelan siguro magiging panatag na ang loob ko. Walang pagdududa, walang pagdadalawang isip.
"It has been a tough day for me. Forbe, I know I cannot directly tell you this. I love you and my decision to leave you is not because I don't sincerely do. I'll leave you because the world is against us. We both love each other but we were too young to justify what love is. Ever hurdles were as daunting as the towering judgments that we are getting from everyone. I fought for him and he tried to fight for me too but to no avail. We both love each other; i still do but, I don't know if he still feels the same way too. And now as I see him slowly getting attached to someone else, here I am typing this long message to express the grief inside of me. I'm so sad right now. I dont know how much proving do I still have to make just to make someone stay in my life. I'm so tired. Everyone leaves. And the hardest part is I remember everyone who leaves,"
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)