Kabanata Labing-tatlo: Harana

459 18 1
                                        

Dagsaan ang pagpasok ng mga tao sa loob ng gate. Nahihiya akong pumasok at maga ang mata ko. Kahit natatakpan ng buhok ko ang buong mukha ko, makikita at makikita ng mga tao 'yong mata ko kapag iniangat ko ang ulo ko.

Nagbuntong hininga na lang ako at hinawakan nang mahigpit ang bag ko. Didiretso na sana ako sa pagpasok ng gate namin nang may narinig akong boses ng isang katandaang lalaki sa likuran ko. Nilingon ko siya at laking gulat ko nang makita ko ang mukha niya.

"Kumusta, Lourdes? Are you enjoying the game?" ngiti na sabi niya sa akin. Nanginig ang buong katawan ko at tila nanghina mga buto sa paa ko nang makita ko siya. Siya 'yong author ng libro na sinasabi ni Carmen noong nasa isla kami. Siya 'yong lalaking dahilan kung bakit kaming lima nagkakilala. Siya 'yung sumalubong sa amin sa airport noong panahong nagising kami mula sa mahabang panaginip. Hindi ako nagkakamali, siya 'yon!

"Ba-bakit ka naandito?" pautal-utal na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at naglakad papalapit sa akin. Sa bawat hakbang na ginagawa niya palapit sa akin ay isang hakbang naman patalikod ang ginagawa ko palayo sa kanya. Natatakot ako sa kanya. Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito.

"Bakit ka lumalayo? Nangangamusta lang ako, hija," ngiti ulit niyang sabi sa'kin. Hindi ko kayang pagkatiwalaan itong taong ito lalo na't sa unang pagkakataon binigo niya agad ako. Ayaw ko na dumating sa punto na may pagsisihan ule ako dahil ibinigay ko nanaman ang tiwala ko sa kanya.

"Lumayo ka sa'kin!" pasigaw kong sabi sa kanya. Tila nawala lahat ng tao sa paligid namin. Tila dadalawa na lang kami ang natira. Mas lalo akong natakot nang maramdaman kong walang ibang tao ang tutulong sa akin kung sakaling may gawin itong lalaking ito sa'kin.

"Huwag kang mag-alala hija, sa ngayon, hindi mo alam kung ano ang totoo at kung ano ang hindi,"malumanay na sabi niya sa akin. Binigyan ko siya ng ilang minuto para magpaliwanag. Hindi ko alam kung bakit binibigyan ko pa siya ng pagkakataon na linisin ang pangalan niya kahit sirang-sira na. Siya ang dahilan ng lahat-lahat, hindi naman siguro masama kung bibigyan ko siya ng pagkakataon para tulungan ako, kahit lahat nang sinasabi niya ay pinagdududahan ko. Sa sobrang haba ng eksplanasyon niya, wala akong sagot na nakuha. Alam niya ang mga sasabihin niya at alam niya ang itatago niya.

"What do you mean? Bakit hindi kami matandaan ni Forbe?" matapang na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at inilapat ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. Ibig sabihin nun ay hindi siya pwedeng magsalita.

"You can know the reason right between your eyes if you would choose to know it by your own. In this game, always remember that your heart will always light your path towards the right answer. Lessen your doubts and let your heart speaks," ngumiti nanaman siya sa akin tsaka ipinasok ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa. Tumalikod siya sa akin at naglakad palayo. Nakakailang hakbang pa lang siya ay humarap ule siya sa pwesto ko at ngumiti,"Remember, the magic never ends. This is just the beginning," naglakad siya palayo sa akin. Hinabol ko siya sa isang kanto kung saan siya lumiko pero wala na siya roon. Mas lalo akong naguluhan sa pagkatao niya. Tao ba talaga itong si Angza o isang produkto lang din ng imahinasyon namin?

"Lourdes," may naramdaman akong isang kamay na dumampi sa aking balikat. Nagulat ako at napatingin sa kanya nang biglaan. Si Justin, tinitignan niya ang lugar kung saan ako nakatitig.

"Okay ka lang? Halika na male-late na tayo," hinihila niya ako palayo doon sa lugar. Tumunog na rin kasi ang bell kaya kailangan na rin namin mag-madali,"Per-pero," hindi na ako nakasalita at hinila niya na ako palayo roon sa lugar na iyon.

Buong klase siya lang ang nasa isip ko. Napakagulo nang pinagsasabi niya at mas lalong dumarami ang kwestyon na nabubuo sa isip ko. Napapansin na rin nila Carmen ang pagiging tuliro ko at ang pagkawala ko sa sarili ko. Paulit-ulit ko rin namang itinatanggi sa kanila na nakausap ko si Angza at sigurado akong magkakagulo nanaman kami. Mas maganda siguro na sa'kin na lang muna ito. Ayaw kong magulo mga isip nila at mukhang okay naman na sila kung ano ang mayroon sila. Ako at si Forbe lang naman ang nagkakaroon ng malaking problema rito sa istoryang ito. Wala naman sigurong ibang makakatulong sa aming dalawa kung hindi kaming dalawa lang din mismo.

Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon