Sa isang mundo kung saan haharapin mo muli ang isang bagay na iyong kinatatakutan. Sa isang mundo na lahat ng mata na nakatingin sa'yo ay lagi kang hinuhusgahan. Sa pagpapalit ng iyong buong pagkatao para sa iisang tao, ito ba ay kakayanin mo o mas pipiliin mo ang katangian na minahal niya at naaalala niya? Sa iyong pagpapalit ng katangian, mamahalin ka pa rin ba niya tulad ng dati o eepekto ang hiling na iyong aksidente na nasambit dati: ANG MAKALIMUTAN KA NIYA NG BUONG-BUO. Una, isusuko mo na lang ba ang inyong nakaraan o pangalawa, ibabalik ang lahat ng ala-ala kahit ang nag-iisang bagay na alam niya tungkol sa'yo ay matagal na burado na?
-------------
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Idinilat ko ang isa kong mata habang kinakapa an cellphone ko para tignan ang orasan. Nagulat ako at napatayo ako sa aking kama nang makita kong 6:40 na. Jusko! Ilang minuto na lang first class ko na! Napatalon ako sa kama na hinihigaan ko at napatingin sa salamin. Kahit alam kong gahol na gahol na ako sa oras, napatigil pa rin ako sa harapan nito at tinignan ang buong sarili ko. Parang kailan lang, sanay na akong nagigising na si Carmen o si Kristine ang katabi ko. Parang kailan lang, sa damuhan o sa tabi ng dagat lang kami natutulog na lima. Parang kailan lang, wala akong iniisip kong paano makaalis sa islang iyon. Ngayon naandito na ako at isang napakahabang panaginip lang pala ang mga lahat ng mga nangyare. Isang panaginip na nagpasaya, nagpainis, nagpagalit at higit sa lahat nagpaniwala na may isang tao pa rin pa lang kayang mabulag para sa akin. Isang napakatangang desisyon ang ginawa para ipagtabuyan siya.
"Anak! Huwag ka nang magmulala d'yan! Late ka na!" Naalarma ako sa sigaw ni Mama at inayos ko ang buhok ko at isinuot ang salamin ko. Nagmumog ako at pumunta sa lamesa. Naandoon si Mama nanunuod ng TV. Umupo ako sa gilid niya at kumuha ng plato.
"Bakit hindi pala natuloy ang flight mo last week?" tanong ni Mama habang nakatingin pa rin siya doon sa pinapanuod niya. Napatigil ako sa pagsubo at nag-isip ng dahilan. Kung sasabihin kong naglagalag ako sa isla at nakipaglokohan sa isang panaginip, malamang hahampasin ako ng sandok nito para magising.
"Ah, may emergency lang po sa lugar kaya po hindi kami natuloy." sagot ko habang tinutusok-tusok ko lang ang pagkain ko. Tumingin sa akin si Mama at napalunok ako. Kinakabahan ako at baka may follow-up questions pa ito.
"Ah ok. Buti naman. Lourdes, hija, may ipapakilala sa'yo si Tita mo. Gusto atang makipagkaibigan sa'yo." Na-alarma ako at tila nanginig ang buong panga ko. Lalaki nanaman? May isa akong Tita na hilig akong ipakilala sa mga anak ng kaibigan niya na lalaki. Dati, alam kong wala sa bokabularyo ko ang mga ito, pero bakit ngayon parang na-cucurious na akong malaman ang feeling ng ganito? Tigil Lourdes! Tumigil ka. Matuto ka na.
"Ayaw ko, Ma. Kilala mo ako. Ayaw ko ng mga ganyang bagay." Sumubo ako sa kinakain ko. Inaasahan ko nang lilingon si Mama sa akin at titignan ako na nakataas ang dalawang kilay niya.
"Anak, sayang ang lahi natin. Huwag ka namang magpa-lola sa pinaggagawa mo. Dalaga ka na. Oo, hindi ko problema sa'yo ang boypren-boypren na 'yan 'di tulad ng mga anak ng mga kaibigan ko na nakakaisang dosena na. Pero anak, subukan mo. Hindi kita pinipilit. Pinapaalala ko sa'yo na teenager ka, kailangan mo 'yan." Uminom ako ng tubig at napaisip saglit sa kinauupuan ko. Hindi alam ni Mama ang pinagsasabi niya. Hindi niya alam na sobra-sobra na kayang sakit ang nakuha ko dahil sa pag-ibig na 'yan! Kahit sabihin nating panaginip iyon, naramdaman ko at nasaktan ako. Sapat na 'yon para matuto ako.
"Ma, magbabago na ako. Ok, hindi na po ako magpapalda ng ganun kay Lola. Hindi na bakya ang susuotin ko. Pero 'wag niyo po ako pwersahin. Kaya ko sarili ko. Sige po, mag-aayos na ako." Tumayo ako." Tumayo ako sa aking kinauupuan at nag-ayos na ng sarili. Ok, Lourdes! Pasukan na at ihanda mo na ang sarili mo sa mga tingin at instant judgment nila. Sanay ka naman na kaya hindi ka na maninibago.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Ficção Adolescente[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)