Ikadalawampu't apat na Kabanata: Silent Sanctuary

285 13 3
                                        




Dahan-dahang nawawala ang araw hanggang sa kalahati na lamang nito ang aming nasisilayan. Wala pa ring pagbabago sa posisyon naming dalawa ni Forbe. Nakapatong pa rin ang kanyang ulo sa aking balikat habang ang dalawa niyang kamay ay napapansin kong dahang-dahang bumabalot sa aking buong katawan. Ayaw kong pigilan at wala akong planong sitahin siya. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako at damhin 'yong init ng katawan niya. Wala na akong pakialam. I'll get what I get.







Tumunog nang napakalakas ang siren na nasa main stage. Lahat ng tao ay isa-isang pumupunta doon. May mga scout na isa-isang pinupuntahan ang bawat tent na naandoon tsaka pinapapunta sa mismong venue ng event. Sinabihan na kami na dumiretso na kami sa lugar na iyon pero tila hindi namin maigalaw ang mga paa namin paalis sa kinatatayuan namin.






Dahan-dahan kong inaalis ang pagkakayakap ni Forbe sa akin pero pansin kong mas lalong humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Kahit ako, kung ako ang papapiliin, ayaw na ayaw kong matapos ang pagkakataong ito. Ayaw kong tumigil at kumawala sa mga bisig niya. Ayaw kong umalis dito sa pwesto na ito kasama siya. May posibilidad na pagkatapos nito ay hindi na ulet mauulit kung anong nangyare sa aming dalawang ito.










"Fo-Forbe, ha-halika na? Ti-tinatawag na nila tayo," kumalas ang mahigpit na mga bisig niya sa akin atsaka dahan-dahan ko naman itong inalis. Humarap ako sa kanya atsaka idinikit ang tingin ko sa kanyang mga mata. The best way to enter someone's mind and soul is through his eyes. It will always tell you the hidden truth. Alam kong sa mga titig na iyon, natatakot din siya na baka 'yon na ang pinakahuling sandali na gagawin namin iyon. Alam kong sa mga titig na iyon, natatakot siyang aminin at sabihin na ayaw pa niyang umalis at itigil ang kung ano ang meron kami sa ngayon. Bakit pakiramdam ko sa kaunting oras na magkasama kami, mas lalo kong nakikita ang sagot sa mga inaakto niya?





Sumipol ulit nang malakas ang isang scout habang itinuturo kaming dalawa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Forbe atsaka sabay na ngumiti sa isa't-isa.







"Halika na?" paanyaya ko sa kanya habang inaabot ang kamay niya. Iniabot niya ang kanang kamay niya atsaka ko naman inilapat ang buong kamay ko rito. Naglakad kami papunta sa mismong venue kung saan may malaking stage at malalaking speakers at spotlights. Dito siguro tutugtog lahat ng banda para mamaya. Sa isang iglap, may isang lalaki na nanghila kay Forbe palayo sa pwesto ko. Kinakausap siya nito habang may ibinibigay na isang malaking board sa kanya. Paulit-ulit niyang iniaabot pabalik ito sa lalaki at tila hindi niya ata nagustuhan ang nakasulat dito.

Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon