Bago ako tumalikod para lumakad pabalik sa kinauupuan naming ni Forbe, nagbuntong-hininga ako at nag-release nang kaunting kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan ko kayang kontrolin ang emosyon ko. Dahil tila sa bawat salita na kanyang binabanggit ay mas humihina ang loob ko para itago ang nalalaman ko. Sa titig pa lang niya nanghihina na ako. Sa bawat ngiti niya napapaisip ako. Sa bawat salita na binabanggit niya, nanginginig ako. But I have to keep strong;I have to be strong.
Naglakad ako papunta sa kanya habang suot-suot ang ngiti na kanina ko pa pilit pinapraktis. He looked at me and smiled back. Inabot ko sa kanya ang pagkain na dala ko at binuksan ang tubig at ibinigay sa kanya. He took the bottle from my hand and politely said Thank you. I smiled back and sat beside him for the second time.
It was a dead air. We were not talking to each other. No queer sound nor murmur. Just both of us nibbling our foods and drinking the separate drinks that we have. Nang sisimulan ko na ang usapan at nang plinano kong tumingin mismo sa kanya, nagkasabay kaming humarap sa isa't-isa. Nagkailangan kami kaya pareho kaming natawa sa isa't-isa. Ibinibigay ko na sa kanya ang opportunity para mag-simulang mag-salita pero sa akin nanaman niya ibinabato ang opportunity na mag-simula ng usapang ito. Wala akong ibang maisip kung hindi puro kadramahan. Wala akong ibang naiisip na sabihin sa kanya kung hindi 'yong maling desisyon na naisip ko para sa aming dalawa.
"Sige, I'll initiate. Please bear with me, I'm not good at this," ngiti niyang pag-sabi sa akin. Inabot niya ang bote na nasa kamay ko atsaka uminom siya tsaka niya ibinalik sa akin. Naubos na kasi niya ang tubig niya samantalang sa akin ay halos hindi ko pa nagagalaw. Tumagilid siya at humarap sa akin tsaka siya nag-simula.
"Let's go. First question, bakit mahirap kaya umamin ng nararamdaman mo para sa isang tao?" tanong niya sa akin habang dahan-dahan niyang iniinom ang tubig ko. Hindi ko ineexpect na ganito pala ang kakahantungan nitong interrogation na ito. Akala ko nasa akin na 'yung mismong control ng lahat, pero bakit parang siya ang nagmamanipula ng sitwasyon namin? Sa tanong niyang iyon, alam kong gagamitin niya 'yon para malayo kami sa usapan na aking sinimulan kanina. Let's see how far can you do this, Forbe.
"Maybe natatakot sila na baka hindi mutual ang feelings nila. And you know the consequence of unrequited love right? It's either you'll lose him/her or you'll know what his/her thoughts are," he smirked. Umayos siya nang pagkakaupo at inilapag ang bote na hawak niya. Kinuha niya ang kanang kamay ko at ibinuka ang palad ko. Now what is this guy up to.
"Here Lourdes, let's make an example. Let's use these two fingers. Ang iyong little finger at ang iyong thumb. Now take a look at their distance," tinignan ko ang layo nila sa isa't-isa at napaisip. Hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang iparating,"Malayo sa isa't-isa?" alanganin na pag-sagot ko sa kanyang tanong. He looked straight into my eyes and smiled again.
"Exactly, Lourdes. Malayo sila sa isa't-isa. Parang love, no matter how far both of you are from each other, one of you should make a way on how to keep in touch and reach out. Kung titignan mo ang distance ng thumb mo at little finger mo, it looks impossible for the both of them to touch nor reach each other. Why? Kasi hindi flexible ang mga daliri natin. Our fingers were created with a limit of distance that it can reach, pero, heto nanaman ang pero, love doesn't work that way. No matter how impossible for these two fingers to see and touch each other, no matter how crucial, painful, challenging and daunting it will be for the both of them, they will and they must find a way to work things out. Simply because they love each other," napapatingin ako sa kanya dahil sa logic nang sinasabi niya at sa sobrang linaw ng explanation na ginagawa niya para maintindihan ko ang relevance ng mga daliring ito sa pag-ibig. Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko na ikumpara ang pag-ibig sa kahit ano mang parte ng katawan ko. Pero si Forbe, parang sa isang iglap, nakaisip na agad siya nang ibabato sa akin.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)