Ika-sampung Kabanata: Nahihiya

501 20 1
                                    

"Carmen, tingin mo tapos na ba sila mag-usap?" tanong ko kay Carmen. Hindi niy ako pinpansin at tuloy-tuloy lang  ang pagbabasa niya ng mga aklat. Nagsusulat din siya ng mga solutions na hindi ko rin maintindihan. Tumingin ako sa kabilang  lamesa at nahuli kong nakatingin si Forbe sa amin. Nag-Hi siya at ngumiti lang ako sa kanya tsaka ko inilayo ang tingin ko. Fine! Kung ayaw akong samahan ni Carmen e ako na lang ang lalabas dito sa canteen na ito at maghahanap kila Kristine at Justin. Tumayo ako sa kinauupuan namin at kinuha ang gamit ko. Naglakad ako papunta sa garden nang biglang sumigaw si Carmen. Napahinto ako napatitig sa kanya.

"Saglit! Sasama ako. Baka kailangan nila ng kausap," ngumiti ako at inakbayan siya at sabay kaming naglakad palabas sa canteen. Iginagala namin ang mga mata namin sa buong garden pero hindi pa rin naman sila makita. Naandito pa kaya sila? Baka naman umalis na sila. Ilang minute na rin ang nakalipas at halos magiisang oras nab aka humanap na sila ng ibang lugar. Doon sa kabilang banda ng lugar na iyon, nakita naming may dalawang tao ang nakaupo sa ilalim ng puno. Hindi kami sigurado kung si Justin at si Kristine ba talaga 'yon. Imposible. Magkayakap kasi silang dalawa at hindi naman 'yon kailan ginawa ni Kristine at Justin. Mas mabuti na lang ata kung lalapitan na lang namin 'yong mga taong 'yon nang malaman kung sila ba talaga iyon.

"It's them," mahinahon na sabi sa akin ni Carmen. Habang papalapit kami nang papalapit, mas namumukhaan naming sila nga 'yon. Nakakahiya naman silangn istorbohin at mukhang kakagaling lang nilang umiyak. Pareho pa silang sumisinghap-singhap at seryoso.

"Excuse me?" mahinahon na approach ni Carmen. Nagulat ako at biglang nagsabi ng ganun itong babaeng ito. Agad napatayo si Justin at Kristine at inayos ang mga sarili nila. Dali-dali nilang pinunasan ang mga luha sa mukha nila at ngumiti na tumingin sa amin.

"Kayo pala 'yan. Sige pala, aalis na kami," napa-facepalm ako sa sinabi ni Carmen. Inistorbo niya lang 'yong moment ng dalawa at plinano pa ngang umalis matapos malaman na sila  nga 'yong 'yon. Kakabasa ng mga libro e nawawala na sa sarili itong taong ito.

"Oh wait! Sorry! I was carried away by my emotion. Ok na kami! Right, Justin?" ngumiti si Justin sa amin at nag-thumbs up. Nag-thumbs up si Kristine sa kanya at nag-up here silang dalawa. So sweet! Bagay talaga itong dalawang ito. Hindi malayo na sila ang magkatuluyan sa huli lalo na at mas lumalalim pa ang nalalaman nila sa isa't-isa. 'Yun daw 'yon, e. Someone wouldn't even bother to share his secrets to you if you are not that important to his/her life.  

"So, ok na? Wala ng problema? I told you Justin. Everything will be ok," sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako. Humarang naman si Carmen sa gitna namin at nakasimangot na nakatingin sa aming lahat.

"Wait! Why I am not aware with these stuff? Akala ko ba e magkakaibigan tayo dito? Tapos hindi niyo ako sinasabihan! Nakakatampo kayo!" nagtatampo na pagkakasabi ni Carmen. Lahat kami e nakatingin sa kanya nang seryoso at tila hindi pa niya makuha ang dahilan kung bakit wala siyang alam sa mga nangyayare.

"Geez, Carmen! You were busy reading your books and we can't even bother you for a moment 'cause you might devour our whole body and munch us to death!" nalilito ang mukha ni Carmen at hindi pa rin maipinta ang mukha niya. Tinitigan niya kaming lahat atsaka ngumiti at nag-peace sign.

"Omg! Sorry! I was so stoked revieweing for my entrance exam in UP kasi. You know, Diliman ang target," Kinuha ni Kristine ang salamin niya at tinignan ang  sarili niya doon.Inayos niya ang buhok niya atsaka tumingin ule kay Carmen. Itinaas niya ang kilay niya at hinawi ang buhok.

"Carmen, I suggest, get a life girl!" umalis siya sa pwesto namin at naglakad palayo sa garden. Napakamot ng ulo si Carmen at natatawa kami ni Justin na nakatingin sa kanya.

Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon