Nakasandal ako sa isang pader. Lahat ng tao na dumadaan sa harapan ko e tinitignan ko. Kahit sa sobrang dami ng tao na dumadaan dito, kailangan mkakita ko siya. Parang hindi ko kasi kayang lumipas 'tong araw na ito na hindi ko nalalaman na ok na kami. Kahit naman napahiya ako doon sa harapan ng mga kaibigan niya, alam ko namang hindi niya ginusto iyon.
"Lourdes, where will you go? Hindi ka pa uuwi?" Nilagpasan ako ni Kristine pero huminto siya at naglakad pabalik sa akin. Ngumiti siya at mahinahon na nagtanong. Sinabi ko sa kanyang may hinihintay ako.
"Could it be Forbe? Oh well, good luck to you, Miss. I have to hit the road, my photoshoot pa ako. Take care, Lourdes!" Kumuha siya ng pabango sa bag niya at ini-spray niya ito sa katawan niya. May mga lalaki na dahan-dahan na sinisinghot ang pabango na nanggagaling sa kanya. Umikot siya doon sa grupo ng mga lalaki at pinag-iisprayan niya ito ng pabango.
"You pervert! Stop following me! Oh my gosh! You guys really are creeping me out!" nag-react sa hapdi ang mga lalaking iyon. Napapigil ako ng tawa ko at napahawak sa bibig ko. Tumakbo si Justin sa puwesto nung mga lalaking nagkukumpol doon at ipinagtutulak-tulak niya ang mga ito.
"Hoy! Bastos kayo, a! Huwag na huwag na kayong babalik dito! Huwag na huwag niyong lalapitan itong babaeng ito!" sigaw niya sa mga lalaki na nagmamadali nang tumatakbo palayo kay Kristine. Humarap si Justin sa kanya at nagpa-pogi. Hinawakan niya ang balikat ni Kristine at paulit-ulit na tinatanong kung ok lang ba siya.
"Oh em gee, my Prince Charming! Frog version nga lang. Of course, I am. I can manage, duh?" Umikot si Kristine at hinawi ang buhok niya at naglakad palayo. Hinabol siya ni Justin at tila sinusuyo siya. Mukhang seryoso na itong nararamdaman ni Justin kay Kristine. Akala kasi siguro nito ni Tin e biro lang itong ginagawa sa kanya ni Justin.
"Lourdes, ingat! Kita na lang tayo bukas! Ui Tin! Hintayin mo ako! Mag-dedate pa tayo 'di ba?" Paulit-ulit hinahawi ni Kristine ang mga kamay na dumadampi sa kanyang kamay at balikat. Tinignan ko ang orasan ko at 4:30 na. Ang tagal naman umuwi ni Forbe. O baka naghihintay lang ako ng tao na kanina pa umuwi? Bahala na. Basta maghihintay ako dito.
Lumipas ang ilang oras at hindi pa rin siya dumadaan. Halos makatulog na ako na nakaupo sa sahig habang hinihintay siya. Nilapitan na ako ng guard at sinabing isasara na ang school pero humingi lang ako ng kaunting minuto para maghintay. Ala sais na ng gabi wala pa siya. Inayos ko ang salamin ko at ang mga gamit ko na inilapag ko sa sahig. Tumayo ako para sana maglakad na palayo nang narinig ko ang boses ni Forbe sa gilid ko.
"Are you waiting for me?" nilingon ko siya at tinitigan. Naka-basketball shorts lang siya at jersey shirt. Pawisan siya at tumatagaktak ang mga pawis niya. Nakasulakbit naman ang tuwalyo niya sa balikat niya pero bakit hindi niya ito ginagamit. Bakit kahit pinapawisan siya e ang hot at gwapo pa rin niya? Hindi tulad ng iba na parang bilasa na. Napatitig ako sa kanya at hindi ko siya sinasagot. Tumaas ang kilay niya at kinagat niya ang lower lip niya. Shocks! Pakiramdam ko makakalimutan ko na ang pagiging mahinhin ko dahil sa ginagawa ni Forbe. Bakit kailangan niyang magpa-cute kasi sa akin ng ganito? Nakakainis! Hindi ko alam ang sasabihin ko!
"Why are you still here at this hour?" inalog ko ang buong ulo ko at tumingin ulit sa kanya.
"I just want to reconcile with you," matabang na sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kinatatayuan niya. Kinuha niya ang twalya niya na nakasabit sa balikat niya at ipinunas ito sa buong mukha at mga braso niya. Matapos nun e naglakad siya palabas ng building.
"Follow me, let's talk outside this building," sabi niya sa isang seryosong boses. Sinundan ko siya habang nasa likuran ko siya. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante na naiwan sa mga classrom nila. Naku, mas machichismis nanaman ako nito. Hindi ako pwede mag-deny na ako ang nakita nilang kasama ni Forbe sa ganitong oras. Lalo na at ako lang ang may ganitong fashion dito sa school na ito. Lumabas kami ng building at dumiretso sa parking lot. Kinuha niya ang car key niya sa bulsa niya at may pinindot siya rito. Binuksan niya ang pintuan ng driver's seat at pumasok siya doon. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinapaandar niya ang kotse niya. Binuksan niya ang pintuan niya ule at inilabas ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...