Ikadalawampu't Pitong Kabanata: Haplos

234 8 9
                                        

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi ko pa rin magawang lumingon sa kanya para ipaliwanag kung bakit bigla na lamang ako nanghina pagkagising ko. Nararamdaman ko pa rin ang mga haplos niya sa buhok ko kasabay ng ihip ng hangin na nanggagaling sa bawat sulok ng lugar na ito. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kailangan dumating ang ganitong mga pangyayare kung kailan mas nakikilala na namin ang isa't-isa. 





Bakit ngayon pa kung kailan ramdam ko ay nakukuha ko na ulit ang Forbe na dati kong nakilala at nakasama. Bakit parang kahit anong gawin kong paglaban e gumagawa ang tadhana ng maraming rason para hindi maging kami? Bakit parang walang iniiwang rason para pareho kaming maging masaya? Ganun ba talaga ang nakatadhana para sa aming dalawa? 'Yung lumaban lang nang lumaban kahit alam mo sa huli ikaw ang matatalo at pagtatawanan?








"Hey, you are not okay. Mind telling me why? Pero okay lang kung hindi. Your choice," bulong niya sa akin nang nakangiti. Dumidiin ang hawak ko sa palda ko tulad nang nakasanayan ko noon. Gustong-gusto nang bumuka ng mga bibig ko para sabihin ang mga bagay na kanina pa nagpapaluha sa akin, pero sa tingin ko hindi ito 'yung tamang oras para pangunahan kung ano nga ba ang nakasulat sa kapalaran naming dalawa.







"Forbe, what if you had an amnesia and you forgot everything that you had before. The happiest memories, the memories that made you angry, the memories that made you feel giddy and most especially, the memories that gave you so much pain?" His eyebrows met a little after I asked him the set of questions. He was so puzzled by the sudden wonders I threw at him. Tumagilid siya nang dahan-dahan at diretsong tumingin sa akin. Makikita mo sa mata at labi niya na marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano siya magsisimula at kung anong salita ang dapat ba niyang gamitin para ipaliwanag ang mga ito.







"Why did you ask?" he softly asked. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso dahil ramdam kong alam niya kung ano ang sinasabi ko. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanyang mga mata kasi alam kong hindi totoo ang kainosentehan na ipinapakita at ipinaparamdam niya sa akin. It is true that man can be caught through his ways of reacting to your questions. This time, I had enough courage to look at him. Masinsinan ko siyang tinitigan sa mata at doon niya naman inalis ang tingin sa akin.







"I mean, why are you asking these questions. Your dream was all about these comical concepts?" pabiro niyang tanong habang humahagikgik siya. Hindi ko magawang maintindihan kung bakit paulit-ulit niyang itinatanggi ang isang bagay na alam naman niya ang tunay na kasagutan. Hawak ko pa rin ang kanang kamay niya at nararamdaman kong nanlalamig ito habang tumatagal. Ito ba ay dahil may bagay siya na di maamin o dahil sa titig ko na alam niyang alam ko kung bakit di siya makatingin sa akin nang diretso? 

Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon