Ikalabingpitong Kabanata: Nalilito

448 17 4
                                    

Kahit anong sabi ko sa sarili ko na kaya ko itong gagawin ko e, hindi ko mapigilan na manginig ang mga tuhod ko sa tuwing umaandar ang aming sasakyan palapit sa aming eskwelahan. Napapahawak ako sa kamay ni Kristine nang sobrang higpit. Tinignan niya ako at ang kamay ko na nakahawak sa kanyang dalawang kamay. Laking gulat niya nang naramdaman niyang sobrang lamig ng kamay ko. Ito na 'yong  isa sa mga senyales na kinakabahan ka sa kakalabasan ng isang bagay na matagal mo nang kinakatakutan.

"Lourdes? What's wrong? Are you sure you can still do this?" sambit sa akin ni Kristine habang hinahawi ang buhok ko na nakalaylay sa bandang kanang bahagi ng aking mukha. Ngumiti ako sa kanya atsaka tinapik ang kanyang kanang kamay,"Of course. Medyo naninibago lang ako pero kayang-kaya ito,"  mahinahon na sagot ko sa kanya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya na nakabalot sa kamay ko at biglang inilagay ito sa bandang kanang bahagi ng kanyang dibdib.

"Confidence is what makes impossible things possible. That'll always be your fuel every time you are starting to lose your patience. Don't worry, we are your back-ups.  If it seems like you cannot handle the pressure anymore, just raise the white flag and one of us will rescue you," ngumiti siya sa akin atsaka ibinalik ang pagkakahawak sa aking dalawang kamay.

Huminto ang sasakyan at alam kong ito na 'yong hudyat na magsisimula na ako sa pagpapanggap ko. Kapag ibinaba ko na ang paa ko dito sa kotseng ito, kailangan ko nang panatilihin ang karakter na ipapakita ko.

"Lourdes! Omg, this is it. Don't worry, you look fabulous naman. By the time you make your first step out there, you should maintain that till the end, okay? Omg! Let me go out first," lumabas si Kristine kasama si Justine habang ako e halos mahimatay na sa loob ng kotse dahil sa sobrang kaba. Paulit-ulit akong nag-iinhale at nag-eexhale para medyo  mawala 'yong kaba na mayroon ako. Pakiramdam ko sa unang pagtayo ko sa labas ng kotse na ito e manghihina ang mga tuhod ko babagsak ako.  Lalo na at nakikita kong napakaraming tao ang nakatayo sa pagbababaan ko.

Kumatok si Kristine sa labas ng kotse at sinesenyasan na ako na bumaba na ako. Sa huling pagkakataon, nagbuntong hininga ako at dahan-dahan na binuksan ang pintuan na nasa gilid ko. Ang distansya ng paa ko na dahan-dahan  na lumalapag sa sahig ay nagbibigay ng takot at kaba sa akin. Ito na ito, kailangan kong tumayo ng diretso at panindigan itong kalokohang ito.

'Yung mukha na takot at pinagpapawisan kanina ay mabilisan kong pinalitan ng may tapang at punong-puno ng confidence sa sarili. Dahan-dahan kong isinarado ang pintuan ng kotse at dahan-dahan din na humarap sa madla. Lahat sila napansin kong nagsipagtinginan sa akin. 'Yung tingin na karaniwang nakukuha ko mula sa kanila ay ibang-iba na ngayon.  Ang mga mata nila na dati ay naniningkit sa tuwing nakikita nila ako ay nagiging bilugan at diretso na ngayon. I'm still not used to this. Napahinto ako ng ilang minuto habang isa-isa ko silang tinitignan. Ilang beses kong ibinukas at isinara ang mata ko para makapagisip ng unang magandang  gagawin para makaalis sa pwesto ko.

Ngumiti si Kristine sa akin at unti-unting sumenyas na kailangan na naming maglakad papasok ng building namin. Parang hindi ko kayang pumasok ng pintuan lalo na at sobrang dami ng tao ang nasa bawat gilid ng building na ito.  Nagbuntong hininga na lang ako at dahan-dahan na naglakad papunta kay Kristine.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanang kamay ko at paunti-unti na hinihila papasok ng building. Hindi ako makagalaw ang mga paa ko at tulad ng dati, pilit ko nanamang itinatago ang mukha ko sa mga buhok ko. Bumulong sa akin si Kristine na ayusin ko daw ang sarili ko at ayusin ko ang postura ko. Walang saysay ang lahat ng ito kung papairalin ko nanaman ang katangahan ko. Kailangan ipakita ko na iba na 'yung Lourdes na kilala nila dati. I think it's time for me to harvest everything that they have planted in my mind;that I'm stupid, worthless, ugly and a witch.

Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon