Malalakas na dagungdong ang nanggagaling sa loob ng lugar na iyon. Ito ang kauna-unahang papasok ako sa loob ng ganitong istablishimento at wala akong ideya kung ano ang kakahinatnan ko sa loob nito. Tila ayaw humakbang ng aking mga paa palapit sa pintuan nito. Ang mga ilaw, usok at amoy pa lang na nanggagaling sa loob ng pintuan na 'yan ay nakakasulasok at nakakahilo na. Dire-diretsong pumasok si Justin at nagawa pa niyang makipag-up here sa guard na nasa harapan ng pintuan hanggang si Carmen naman ang sumunod na pumasok sa loob nito. Hinihila na ako ni Kristine papasok pero ayaw pa rin umalis ng aking mga paa sa kasalukuyang kinatatayuan ako.
"Girl, if you'll just stand there the whole night. This next plan will fail us. So, halika na, let's go inside and start na!" paanyaya niya sa akin. Itinutulak na niya ako kaya medyo nakakahakbang na ako nang pakonti-konti. Habang papalapit nang papalapit kami sa pintuan, mas lalong lumalakas ang dagungdong at mas lalong tumatapang ang amoy ng alak na nanggagaling sa loob. Pilit kong tinatakpan ang ilong ko dahil sa amoy pa lang, nahihilo na ako. Madaliang hinampas ni Kristine ang kamay ko at dahan-dahan na inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga.
"Lourdes, stop acting like it's your first time to enter a bar. Look at those boys, they are watching you. If you'll let your innocence to manipulate you the whole night, you'll never want to go back inside this entity once again. Wake up, girl! Be intimidating," tinignan ko sila isa-isa. Ang mga ngiti at titig nila na alam mong walang magandang balak. Lugar ito ng mga mayayaman at hindi ako rito nababagay. Kung mayroong isang grupo ng tao na hindi ko kayang pakisamahan at basahin, 'yon ay ang grupo ng mga mayayamang indibidwal. Sadyang iba ang takbo ng utak nila, karamihan sa kanila ay agresibo, karamihan sa kanila ay matapobre at karamihan sa kanila ay akala sa kanila lang umiikot ang mundo. Tama si Kristine, kung papairalin ko ang kainosentihan ko rito, walang mangyayare sa amin dito.
Itinaas ko ang kilay ko at dahan-dahang itinaas ang aking mukha. Hinawi ko ang buhok ko at idiniretso ko ang postura ko at dahan-dahan na naglakad papasok sa loob ng istablishimento. Napakaraming tao, napakaingay at lahat sila ay nagkakaguluhan. Ganito pala kagulo ang mundo sa labas ng normal na buhay na matagal ko nang tinataguan. Napakaraming lalaki ang humahawak sa bawat kabila ng braso ko, napapailing at napapaurong na lang ako sa bawat kamay na dumadampi sa dalawang braso ko.
Hinila kami ni Kristine papunta sa isang lamesa. Doon kaming apat umupo. Hindi pa rin ako mapakali sa kinauupuan ko. Hanggang nasa apat na sulok ako nitong lugar na ito, parang hindi matatahimik kakaluwa ko. Dumating ang isang waiter na may dala-dalang tray kung saan nakapatong ang iba't-ibang uri ng inumin. Inilapag ito sa lamesa namin at isa-isa kaming pinapili ni Kristine. Naghanap ako ng juice lang pero sinabi ni Kristine ay cocktail lang ang available. Sabi niya, hindi naman gaanong nakakalasing ito kaya kinuha ko na kaysa masabihan akong walang pakikisama. Ilang minuto na at halos magkakahalating oras na ang lumipas pero wala pa rin si Forbe.
"Lourdes, sigurado ka bang darating si Forbe?" ani ni Carmen. Umiling lang ako at nanahimik. Wala namang sinabi si Forbe na darating siya at wala rin siyang sinabi kung pupunta siya o hindi. Nagbakasakali lang naman kaming apat na baka sakali ay papayag siya sa imbitasyon namin sa kanya.
"Carmen at Lourdes, kayo na muna d'yan. Babantayan ko lang saglit si Kristine," sabi ni Justin. Ngumiti at tumango na lang kami ni Carmen at nanahimik sa magkatabing upuan namin. Sumunod si Justin kay Kristine na patuloy na umiinom ng alak at mukhang nakakarami na. Patuloy ang pag-tanggal ni Justin ng mga baso ng alak na iniaabot kay Kristine at pilit na hinihila palabas sa dance floor. Akala naming, si Justin ang unang malalasing sa aming apat, pero simula nang pumasok kami rito sa loob nito, hindi na niya inialis ang tingin niya kay Kristine. Ni hindi pa rin siya kumukuha ng kahit isang baso ng alak para lang hindi mawala sa paningin niya si Kristine. Iba pala talaga kapag seryoso ang isang lalaki, nagiging iba sila sa kung ano ang pagkakakilala natin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)