Pangalawang Kabanata: Ngiti Sa Iyong Labi

633 27 4
                                        

Nakaharap silang apat at ako ay nakatalikod at nakatingin sa pader. Hindi ko alam kung ano ang nangyayare sa akin. Si Forbe ang papalapit sa akin pero bakit ako nagkakaganito? Kilala ko siya at kilala niya ako, ano ang ikinakatakot ko? Ano ang dahilan nang pag-nginig ng mga tuhod ko? Gustong-gusto ko siyang lingunin at salubungin ng yakap pero ayaw ng buong katawan ko. Ito ba 'yung sinasabi nilang konsensiya? Kung saan kahit anong  pilit mo sa sarili mo na umakto sa isang galaw na gustuhin mo e hindi mo magawa dahil may pumipigil sa'yo?

"Oh my gosh. Oh my gosh." Hinawakan ni Kristine ang braso ko. Inikot niya ako at dahan-dahan akong napalingon doon sa harapan. MAlapit na si Forbe. Lahat ng babae na nadadaanan niya e napapalingon sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit siya pinagkakaguluhan ng mga babae dati pa.  Ibang-iba na ang aura niya. 'Yung dating Forbe na nakilala ko sa isla ay ibang-iba na ang tindig at angas na mayroon siya ngayon. 

"Here he comes." sabi ni Kristine habang tumitindi ang hawak niya sa braso ko. Papalapit na si Forbe at pakiramdam ko e mas bumabagal ang bawat lakad niya papunta sa akin.  Gusto ko siyang ngitian pero may parte ng katawan ko na nahihiya na gawin iyon. Nakaharang kaming apat sa dadaanan niya pero hindi pa rin kami tumatabi sa daan. Huminto siya sa harapan namin at inilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya. Hinihintay namin siyang ngumiti pero hindi niya ginagawa.

"What?" Sabi niya sa isang seryoso at malamig na boses. Nawala ang higpit ng hawak sa akin ni Kristine. Ngumiti ako sa kanya at tinitigan niya ako. Pakiramdam ko matutunaw ako. Kilala pa rin ako ni Forbe! Walang nagbago! Hindi umepekto 'yung sumpa na ginawa ko! Sa sobrang tuwa ko e napayakap ako sa kanya at naluha. Wala na akong pakialam kahit sobrang dami ng tao ang nakatingin sa amin. Kahit sabihin nilang OA ako dahil umiyak ako, wala akong pakialam. Si Forbe ito at natutuwa akong nakikilala pa niya ako at ang mga kaibigan namin.

"Excuse me, Miss? Why did you hug me?" Napadilat ako ng mata ko at kusang nabaklas ang kamay ko na nakayakap sa kanya. Tinitigan ko siya sa mukha at seryosong-seryoso ang mukha niya. Napaturo ako sa sarili ko at sinambit ang pangalan ko nang mahinahon.

"Ak-ako si Lourdes, Fo-Forbe. Si-si Mia? Ako ito." Ngumiti ako sa kanya kahit tumutulo pa rin ang luha sa aking mga mata. 

"Lourdes? Mia?" Tanong niya sa akin habang tinititigan niya nang mabuti ang aking buong mukha. Sumingit si Kristine sa harap namin at pilit na ipinapaalala sa kanya ang lahat.

"Yes, Forbe! Don't you remember her? I mean us! What's happening to you, Forbe?!" halos matunaw ako at nanghina ang mga binti ko. Mas lalong tumindi ang pag-iyak ko nang pilit ipinapaalala ni Kristine kung sino kami sa kanya.Ito na ata ang araw na kinatatakutan ko: ang araw na tuluyan na niyang makakalimutan ang lahat ng mayroon kami.

"Forbe, it's me Carmen. We were together inside that Pleomist Island weeks ago. Remember?" Hinawakan ni Carmen ang kamay ni Forbe at tinignan lamang niya ito. Ibinalik niya ang tingin kay Carmen at ngumiti siya. Kung ang ibig sabihin ng ngiti na iyon ay nagbibiro lang siya, baka magkaroon ako ng rason para ngumiti ngayon.

"What? Sorry guys. I don't know you. I need to go." Binitawan niya ang kamay ni Carmen at tumingin sa akin. Huminto siya sa akin at dahan-dahan na bumulong sa aking tenga.

"Miss, next time, make it sure to yourself that you are hugging someone who knows you. Salamat." Ngumiti siya sa akin at  tinapik ang braso ko. Natulala ako at parang sinuntok ako sa dibdib ng ilang beses. Umiiyak ako dahil sa rason na hindi na niya kami maalala at hindi dahil sa mga bulungan na naririnig ko sa paligid ko. 

Dinala ako nila Justin sa isang room kung saan ang unang klase namin. Hanggang ngayon e hindi pa rin kami nagkikibuang apat. Hindi nila alam ang tunay na nangyare kaya kahit sila, nagtataka. Natatakot ako na baka kainisan at kagalitan nla ako kapag nalaman nilang dahil sa akin kaya nagkakaganun si Forbe.

"I can't take this. This is weird. This is really weird! How could he forget us after a week of no contact with each other?! That's so fast!" Gusto kong takpan na ang tenga ko at hindi na pakinggan ang mga tanong nila. Ayaw kong dumating ako sa punto na kailangan kong sisihin ang sarili ko dahil sa isang desisyon na hindi ko pinagisipan noon.

"Maybe this is what Mr. Angza's trying to say. He uses Forbe as his instrument to make a continuation of his game." Kung ganun nga iyon, hindi ako natutuwa. Kahit kailan, hindi naging magandang laro ang paglaruan ang puso ng isang tao. Kung para sa kanya ay isang salita lang ito, pwes sa akin malaking parte ng buhay ko ito.

"Bakit nga nagkaganun 'yon? E sa pagkakaalam ko, normal naman tayong lahat nakapasok doon sa puting ilaw palabas ng isla." Tanong ni Justin habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga tanong at agam-agam nila. Hindi ko na ito kaya. Kailangan aminin ko na ito sa kanila.

"It's because of me." Napahikbi ako nang sinabi ko iyon. Lahat sila ay napatingin sa akin at mukhang nagtataka.

"Noong panahon na kumuha ako ng Carion Bees bago natin hanapin si Carmen. Nakita at nakausap ko ang The Guardian of Memories. Ipinakita niya lahat sa akin. Lahat-lahat nang ginawa ni Fobe dito sa mundo bago pa tayo magkakila-kilala. Binigyan niya ako ng isang pagkakataon para humiling sa kanya." Lahat sila nakatingin at halos hindi mo na maalis ang kanilang mga mata sa akin. Natatakot ako na sabihin ang dahilan at baka pati ako layuan na rin nila. Ang hiniling ko lang naman ay ako lang ang makalimutan pero bakit sila nadamay?

"What did you choose?" Kristine asked in a shaking voice.

"I asked the guardian to remove me in Forbe's memories. I want him to forget me and to become strangers to our next meeting. Hindi ko inakala na pati kayo makakalimutan. I-I'm sorry, guys. Gi-ginawa ko lang naman 'yon para protektahan 'yung sarili ko. Nahuhulog na kasi ako sa kanya noong mga panahong 'yon at alam kong masasaktan din ako kapag nakawala na tayo sa islang 'yon. Natatakot ako na kakalimutan niya rin ako kahit kilala pa niya ako. Mas masakit 'yon at baka hindi ko kayanin."

"What?!" Napatayo na si Kristine sa kinauupuan niya. Mas lalo akong na-guiguilty sa ginawa ko. Hinawakan siya ni Carmen sa kamay at pinaupo uli sa kanyang upuan.

"Violence and atrocity will take us nowhere. Let's calm down and settle this thing discreetly. Lourdes, I know it was your defense-mechanism. It's not your fault. Problema na ng Tagapangalaga 'yon. Hindi ka namin sinisisi. Kaya natin 'to." tinakpan ko ng mga palad ko ang aking mukha atsaka umiyak ule. Sawang-sawa na ako sa ganitong bagay. Umiiyak ako dahil sa iisang bagay. Wala akong karapatang magreklamo dahil ginusto ko ito. Bakit kailangan pang maidamay ang ibang tao dahil sa desisyong ginawa mo? Nahihirapan at nahihiya na ako sa kanila. Ayaw ko na. Hindi ko na kayang i-tolerate 'yung sakit na tumata at dumadating sa akin. Sa buong akala ko, 'yung ngiti niya sa akin kanina ay ibig sabihin na ok lang siya pero hindi pala. Buong akala ko e magiging ok na ang lahat, pero hindi pala. Akala ko, dito sa mundong ito, lahat ng plano ko e magiging ok lahat, pero hindi pala. Napakalaking kasinungalingan ang ginawa ko sa sarili ko, ang paniwalain ko na magiging ok lang ako kahit wala lagi si Forbe sa tabi ko.

Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon