Pangatlong Kabanata: Sa Kanyang Mga Mata

630 22 15
                                        

Bumukas ang pintuan ng room namin. Nakita kong pumasok ang teacher namin na may dala-dalang libro. Umayos sa pwesto sila Carmen at dali-dali ko namang pinunasan ang mga luha sa mata ko. Nakayuko ako na nakatingin sa desk ko. I feel so very guilty. Kung hindi dahil sa akin, malamang hindi kami magkakaganitong lima.



"Lourdes, do not blame yourself. We can do this, girl. Fighting!" Tinapik ni Kristine ang likod ko at ngumiti. Somehow, it eased the pain that I'm having. Ngumiti ako at kinuha ang notebook ko sa bag ko. Kinuha ko ang ballpen at tinanggal ang takip nito. Nagsasalita ang instructor na nasa harap namin at hindi ako nakikinig. Puro Forbe ang nasa isip ko. Paano ako makakafocus nito kung puro siya ang nasa isip ko.



Nagsipagtinginan lahat ng tao sa pintuan ng biglang bumukas ito. Lahat ng babae nagbubulungan at naghahampasan. Hinawi ko ang buhok ko na nakaharang sa harapan ng mata ko at tinignan kung sino iyon. Si Forbe. Nakasulakbit sa isang balikat niya ang bag niya. Ngumiti siya sa klase na naging dahilan nang pag-ingay ng mga babae. Nanigas ang kamay ko at hindi ko na alam ang isusulat ko. Lumapit siya sa instructor namin at ngumiti. Tumingin siya sa pwesto ko at ngumiti. Ayaw na ayaw ko ang mga ngiti na ginagawa niya. Sa huling pagkakataon na nakita ko siyang ngumingiti ay 'yong panahon na naaalala pa niya ako. Naglakad siya palapit sa akin. Napatitig ako sa kanya at hindi ko na maigalaw ang hawak kong ballpen. Nilagpasan niya ako at umupo siya sa bakanteng upuan na nasa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nagbuntong-hininga. Akala ko kakausapin na niya ako dahil kanina. Humarap ako sa desk ko at ipinagpatuloy na ang sinusulat ko.



Natakpan ang araw kaya medyo dumilim ang sinusulat ko. Tumingin ako dahan-dahan sa harap ko at nakita kong nakatingin sa akin ang lahat ng mga kaklase ko. Nasa harapan ko ang instructor ko at bumubulusok na siya sa galit. Napahawak ako sa tela ng palda ko habang ibinababa ko ang ballpen ko. Sa tuwing kinakabahan ako, wala akong ibang mahawakan kung hindi ang mahaba kong palda. Sabi nga ni Forbe noong nasa isla kami, kilalang-kilala na niya ang mga babaeng katulad ko.



Iniangat ng instructor namin ang papel ko at malakas niyang binasa ang nakasulat dito.



"What I had wished for doesn't mean that I hate you. It is my other way of saying that I don't want to let you go when I deeply fall in love with you." Nagtawanan ang mga estudyante na nasa loob ng room. Dahan-dahan akong lumingon kay Forbe at kinuno't niya ang noo niya. He bit his lips and started to laugh silently. Kung alam niya lang na siya ang pinaparinggan ko doon, malamang, hindi niya magagawang matawa.



"You are writing such childish quote in my class?! What's your name?!" Sigaw sa akin ng instructor ko. Nagulat ako dahil sa sobrang lakas. Natahimik lahat ng mga kaklase ko at nakita nilang seryoso na ang instructor ko. Sinabi ko ang pangalan ko nang mahina at marahan.



"Get out in my room, Miss Lourdes!" Hindi ako tumayo sa upuan ko at nanahimik lang ako na hawak-hawak ang palda ko. Napatingin na sa akin sina Carmen at hiyang-hiya na ako sa nangyayare. Nagbabago na ako at nararamdaman ko 'yon. Hindi ko na kayang baguhin ang sarili ko gayung malaki na ang ipinagbabago ko.



"Get out I said!" Sigaw pa niya ng isang malakas. Napatayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang bag ko. Naglakad na ako palayo sa upuan ko nang makita kong tumayo si Forbes a kinauupuan niya. Nagsipagtinginan lahat ng estudyante sa kanya at napahinto rin ako sa paglalakad ko nun.



"This is not right, Mr. It is not right to send her out because of this!" Tumayo si Carmen sa kinauupuan niya at laking gulat ng mga estudyante sa loob ng room namin. Napalingon sa kanya ang instructor namin at sobrang galit na galit na siya Hinawakan ni Carmen ang kamay ko paulit-ulit niyang sinasabi na huwag akong lalabas ng room namin.



Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon