Ikatatlumpo't Anim Na Kabanata: Pamilyar Ka

403 7 16
                                        



Pakiramdam ko nasisinag ako. 


Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng dibdib ko.


Pakiramdam ko may naiwan ako.


Isang mabilis na pag-galaw ng mga imahe ang nakita ko habang nakapikit ang aking mga mata. Sa huling parte nito, isang liwanag lamang ang nakikita ko habang nakikita kong paunti-unti akong nawawala sa kung saan ako nakatayo. 


Ang bigat sa dibdib. Pakiramdam ko sinisisipsip ako ng isang malakas na pwersa pabalik sa kung saan ako galing. 


Mabilis kong idinilat ang aking mata at biglang napatayo sa kung saan ako nakahiga. Ang bilis nang kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa paligid ko at tila wala namang nagbago. Nasa kwarto ko ako. Tinignan ko ang kamay at paa ko habang paulit-ulit na iniisip 'yung panaginip ko na konti-konting nawawala ang  bawat parte ng katawan ko. Laking ginhawa nang makita kong masamang panaginip lang pala ito.


Basang-basa ng luha ang unan ko na tila buong mag-damag ako umiyak. Wala naman akong nakaaway kagabi o kahit ano mang problemang pinagdadaanan, bakit tila sobrang bigat nang panaginip ko kaya ganitong luha ang inilabas ko mag-damag.


Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at dali-dali akong tumayo papasok sa banyo para mag-ayos nang madaan ako sa harap ng salamin ko. Parang may nag-bago. Parang pakiramdam ko may isang bagay na nag-bago sa akin na 'di ko alam kung ano. Lumapit ako medyo sa harap nito at paulit-ulit kong tinitignan kung tumaba nga ba ako o lumaki ba ang baywang ko. Wala naman. Pareho lang. Wala namang nag-bago at all pero bakit pakiramdam ko mayroon?


Habang sinusuklay ko ang buhok ko, paulit-ulit ko pa ring iniisip 'yung panaginip ko. Bakit tila sobrang haba ng tulog ko na parang parte ako ng isang istorya na buwan ang tagal? Litong-lito na ako. Sa nakaraang mga buwan, palagi na lang ako nagkakaroon ng mga kakaibang panaginip na hindi ko alam kung totoo bang nangyare o hindi.


"Lourdes! Tanghali na! Malelate ka na niyan!" dali-dali akong bumaba sa kusina at humalik kay Mama bago umalis ng bahay.


"Hoy! 'Di ka na ba kakain?" tanong niya habang hinihila ako pabalik sa lamesa.


"Hindi na po, Ma. Late na po ako! Bago daw manager namin baka kainin akong buhay nun. Kunin ko na lang po itong baon niyo para sa akin," at dagli-dagli ko siyang hinalikan sa pisngi at tumakbo palabas ng bahay. 


Kahit sa loob ng jeep, masyado pa ring occupied ako roon sa panaginip ko. Paano kung 'yun na 'yung sign kung kelan gugunaw ang mundo? Paano kung naandoon 'yung sagot kung saan ko mahahanap 'yung taong para sa akin? Paano kung naandoon ang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga? 'Di ko na alam! Sumasakit na ang ulo ko kakaisip sa panaginip na ito!


Sa sobrang kakaisip ko sa napakawalang kwentang bagay, nailagpas ako ni Manong Driver sa lugar kung saan ako dapat bababa. Late na ako. Unang araw na bago ang manager namin tsaka pa ako nalate dahil sa l*cheng panaginip na 'yan. 


Pagkapasok ko sa staff room, lahat ng staff ay nakatingin sa akin. Siyempre grand entrance ang lahat ng late na kala mo nakapatay ka na kung titigan ka nila. Dali-dali akong sumiksik sa tabi ng kaibigan ko at sinuot 'yung name plate namin. Nagtatrabho ako sa isang cinema bilang isang counter staff. 

Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon