"What?! Lourdes, are you stupid?! Why would you agree with Forbe's plan?! Alam mo namang that's a really dangerous risk you're about to make!" Carmen shouted in a really angry voice. Hindi ko madepensahan ang sarili ko dahil alam ko sa sarili ko na mali ang desisyon na ginawa ko. Pero sa tingin pa lang kanina sa akin ni Forbe, tila nakumbinse niya akong sumama at pumayag sa gusto niya. Hindi ko alam kung mahika ba 'yun o sadyang sa pang-ilang pagkakataon, nagpapakatanga nanaman ako sa kanya.
"Girl, are you out of your mind? I know how head over heels you are to that guy but, are you serious? Ikakasal na 'yung tao. Why don't you just let him go and be happy with that girl? Let him go, girl," mahinahon na sambit naman sa akin ni Kristine. Paulit-ulit niya akong pinapaalahanan na sobrang maling desisyon ang sumama ako kay Forbe lalo na sa sitwasyong ganito. Alam kong mali ako pero hindi ko na talaga alam kung ano ang pipiliin ko.
"Lourdes sa totoo lang, lalaki ako at alam kong mali 'yung gustong mangyare ni Forbe. Sigurado ka na ba talaga d'yan sa desisyon mo na 'yan? Kasi kahit ano namang sabihin namin, 'yung gusto mo pa rin ang masusunod," ani ni Justin. Tumingin ako sa kanila isa't-isa at ngumiti. Hanggang sa huli hindi nila ako pinapabayaan. Na tila sa kwentong ito, parang ako lang ang bida. Dali-dali akong tumayo sa kinatatayuan ko at kinuha ang bag at susi ko na nakalapag sa lamesa atsaka biglang naglakad palabas ng kwarto.
"And where do you think you're going?" tanong ni Carmen sa akin habang hinaharangan ang pintuan.
"I'm gonna fix this mess, everyone. Leave it to me," sambit ko habang nakangiti sa kanilang lahat. Hindi na nila ako pinigilan. Hinayaan na lamang nila ako na lumakad palayo sa kwartong iyon. Sumakay ako sa kotse atsaka pinaandar ito paalis. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero ito na lang 'yung nagiisang plano na sa tingin ko ay eepekto para maayos ang kusot na pinasok ko.
Huminto ako sa lugar kung saan nag-aaral ang fiance ni Forbe na si Georgina. Ilang oras na akong naghihintay dito sa kotse pero hindi ko pa rin siya makita. Matapos ang ilang oras na paghihintay ko, nakita ko siya na lumabas sa isang building kasama ang mga kaibigan niya. Ito na 'yung pagkakataon na hinihintay ko. Tama ba ito? O mas lalong gagawin kong komplikado ang lahat ng ito? Bago pa man siya makatawid sa kabilang parte ng gusali, pinaandar ko ang aking sasakyan at dali-daling hinabol siya.
"I'm sorry everyone, I have to do this," bulong ko sa sarili ko habang pinapaandar ang sasakyan papunta sa lugar kung saan nakatayo si Georgina. Ilang metro mula sa kinatatayuan niya, laking gulat niya nang may sasakyan na umaandar papunta sa kanya. Hininto ko ito at bumaba sa kotse ko. Doon, nagkasalubong na ang aming mga tingin. Gulat na gulat siya at ako naman ay sinalubong siya ng ngiti at mahinahon na pag-bati.
"So, how have you been lately, Lourdes?" mahinahon na tanong sa akin ni Georgina. Paulit-ulit kong hinahalo ang kape ko at nag-iisip ng magandang sagot. Sasabihin ko ba sa kanya na heto, mahal ko pa rin ang taong mapapangasawa mo o sasabihin kong heto, masaya. Pinipilit maging masaya kahit hindi naman talaga.
"I'm doing good. Ikaw? Kumusta ka na?" sagot ko sa kanyang tanong habang paulit na hinahalo ang kape ko. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata dahil alam kong mayroon akong kasalanan. Kasalanan nga ba ito or pareho lang din kaming biktima?
"Lourdes, I just want to thank you for what you've done at the resort before. I don't know if saying thank you is enough for giving way for the two of us but...," hindi ko na siya pinatapos sa pag-sasalita. Hinawakan ko ang kamay niya atsaka dahan-dahn kong binubuo ang lahat nang dapat kong sabihin sa kanya. Nagulat siya. Tiningan niya ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kamay niya. Nanginginig ang aking mga braso at ramdam akong nanlalamig na rin ako.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)