Chapter 02

450 18 3
                                    

Chapter 02

Reign’s Point of View

Kahit may hang over pa dahil sa paglalasing ko kagabi ay pinilit ko ang sarili kong pumasok ngayong umaga. Tama na iyong halos isang linggo akong nawala, nakapagpahinga rin naman ako kahit papaano.

Kaya naman sinadya kong pumasok ngayon sa opisina ng maaga. Pagkarating sa opisina ng boss ko ay nagulat pa ako nang makita kong gaano iyon ka kalat. Kaya naman inuna kong linisin ang buong opisina niya bago ko sinagot ang mga emails at messages niya. Inayos ko na rin ang schedule niya katulad ng palagi kong ginagawa.

Matapos linisin ang lamesa niya ay sunod ko namang inayos ang akin. Meron talaga akong sariling puwesto rito sa opisina niya, sinadya niya iyon para hindi na raw ako palakad-lakad kapag may kailangan ako sa kaniya.

Matapos ang lahat ay nagtimpla na rin ako ng kape para sa sarili ko at sa boss ko, batid ko’y narito na rin siya ano mang oras. Inaantok pa kasi ako at kailangan ko ng pampagising. Tumingin ako sa laptop ko nang sunod sunod na notifications ang tumunog, may bago na namang emails. Nagpapagawa ng appointment para makausap ang boss ko, kaya naman sinagot ko ang mga iyon at kung maaari ay sinisingit ko sa schedule niya kung maaari.

“...you know, I saw her last night.”

“Are you sure it was her?”

“Of course, and only if you see her too, I know for sure that you’ll pity her. She’s more fragile than a broken glass.”

Batid kong mga boses iyon nina Sandro at Simon ang naririnig ko mula sa hallway. Ang yabag ng mga paa nila’y mukhang papunta rito sa opisina.

Hindi ko mapigilang mapangiwi nang marinig ang huling sinabi ni Simon. Fragile mo mukha mo! Loko!

Bumukas ang pintuan at kaagad na nagsalubong ang mga mata naming dalawa ni Sandro. Kaagad ang mga iyong binalot ng pag-aalala ng makita ako.

Tumayo ako at ngumiti, “good morning!” bati ko sa dalawa.

“Reign! Oh god! Where have you been these past few days!? I was worried sick about you! And how dare you having a leave without asking my permission?” bahagyang umangat ang boses niya. Si Simon naman sa likuran niya ay napapailing na lang.

“Atleast greet me a good morning, Sir.” Nakangiti pa rin ako sa kaniya kahit na nanatiling nakakunot ang noo niya.

“Good morning, Reign.” Bati sa akin ni Simon at binati ko naman siya pabalik, saka muling tiningnan si Sandro.

“Give us some time, Simon. I have to talk to her.” Si Sandro sa kapatid niya.

“Okay.” Tumingin ito sa‘kin. “I’ll be going now. Have a great day ahead.” Kumaway pa siya sa‘kin at tumango naman ako, saka na siya tuluyang umalis.

Tiningnan ko ulit si Sandro at natawa ako ng bahagya nang makitang kunot na kunot pa rin ang noo niya. “Chill. Here’s your coffee—”

“Can you please stop acting like nothing had happened? Like you didn’t leave me for days and I had gone crazy!?” singhal niya bigla sa‘kin dahilan para gulat akong tumingin sa kaniya.

Ang kamay kong inaabot sana ang kape niya ay nabitin sa ere. Napakurap-kurap ako sa gulat. “Well...” hindi ako makahagilap ng tamang salita. “I’m sorry for that.” Bumagsak ang mga balikat ko at nailapag sa mesa ang kape niya. Tumingin ako sa kaniya at nagpilit ng ngiti. “I’m sorry for causing you troubles and giving you headaches. I was just...” hindi ko maituloy ang sasabihin ko. “You can fire me if you want. I understand.”

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now