Chapter 24

169 8 0
                                    

Chatper 24

REIGN's Point of View

MATAPOS masigurong maayos na ang itsura ko ay nagwisik ako ng kaunting pabango sa iilang bahagi ng katawan ko. Alam kong ilang minuto na lang at nandito na ang boss ko kaya naman hinanda ko na ang sarili ko.

“Gayong inaalagaan mo naman ako ng mabuti, sino ako para pabayaan ka?”

Nasa kalagitnaan ako nang pagsipat ng aking sarili sa harapan ng salamin nang sumagi na naman ‘yon sa isipan ko. Kasabay no’n ay ang pagtingin ko sa kamay kong hinawakan niya kanina.

Aminado akong nagustuhan ko iyong ginawa niyang paghawak niya sa kamay ko kanina. Dahil sa ginawa niyang iyon, may isang bagay akong naramdaman na para bang sinadya niyang iparamdam sa‘kin. Dahil sa paghawak niyang iyon, naramdaman kong safe ako sa mga kamay niya.

Pumikit ako saka humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Matapos iyon ay kaagad akong lumabas ng kwarto ko. Bago ako lumabas ng condo ay sinigurado kong naka-lock iyon, at dala ko na rin ang pouch ko.

Nga pala, wala ang Kuya Rouge ko rito. Katulad ng sinabi niya, gagala siya, kaya naman hindi ko siya mahagilap dito sa condo ko.

Ilang minuto akong nasa loob ng elevator matapos itong tumigil sa mismong ground floor, kaya naman lumabas din ako kaagad. Dito na lang ako sa labas ng building maghihintay kay Sandro.

Hindi naman gano’n ka tagal at natanaw ko na ang kotse niya. Nang huminto ito sa misnong tapat ko ay hindi ko na siya hinintay na bumaba at kusa na lang akong sumakay.

“Hi.” Bati nito sa‘kin.

Ngumiti din naman ako sa kaniya. “Good evening. Gwapo natin, ah?” Komento ko matapos kong pasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “Infairness, english na english. Hahaha!”

“Ikaw rin, ang ganda mo rin.”

“Ay sus! Kailan ba ako pumanget?” Biro ko. Pero sa halip na sabayan ako sa pagtawa ay ngumiti lang siya. “Siyempre naman, ganito ka-gwapong Congressman ba naman ang kasama ko.”

Habang nasa daan na kaming dalawa ay nag-uusap pa rin kami. “Huwag kang maglasing, ah? Hindi kita kayang buhatin Sands, sinasabi ko sa‘yo, iiwan talaga kita.”

“As if namang kaya mo?”

“Loko ka talaga!”

“Hahaha! Don’t worry, I won’t be a burden to you tonight. I won’t cause you trouble.”

“Dapat lang! I can’t imagine myself carrying you. Hahaha! Mabigat ka kaya?” wala sa sariling tanong ko.

“Of course! Sa laki kong ‘to?”

“Hahaha!” Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa. “Malaki ka na niyan? Talaga lang, ah! Maliit ka, woi! Assuming mo!” natawa na naman ako.

“At least, mas matangkad ako kumpara sa‘yo.” Birada niya bigla dahilan para mapakurap ako. “Hahaha! Iyong ang liit liit ko na nga pero may mas maliit pa pala sa‘kin. Hahaha!” tawang-tawa talaga siya sa kalokohan niya.

“Foul ‘yan Sands, ah? Hindi ako natutuwa.” Seryoso kunwaring sabi ko.

Tumikhim siya bigla, “sorry.”

“Hahaha!” natawa ako bigla nang makita ko ang maamong itsura niya. Parang natakot siya bigla. “Hahaha! Hindi ka na mabiro! Eh, ano ngayon kung maliit? Maganda naman!”

“Eh ano rin naman ngayon kung maliit? Gwapo rin naman!” sabi rin niya.

“Maliit ako pero maganda ako!”

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now