Chapter 26

183 9 0
                                    

Chapter 26

REIGN's Point of View

“What?” takang tanong ng kakauwi ko lang na kapatid nang salubungin ko siya ng isang seryosong mukha.

Akala ko umuwi ang hudas kagabi pero hindi pala. Papasok na sana ako sa trabaho pero naalala kong may ipapagawa pa pala akong importante sa kaniya. Ang kaso nga ay wala siya kaya heto ako’t napilitang maghintay.

“I want you to do something for me.” Seryoso talagang sabi ko. Gusto kong magseryoso rin siya dahil wala sa plano ko ang magbiro ngayong araw.

“Ni hindi mo man lang ba ako papapasukin—” natigilan siya sa pagsasalita nang malipat ang atensiyon niya sa kamay kong may plaster cast na siyang ibinalandara ko sa mismong mukha niya. “What happened to that?” may diin at seryoso niyang tingin. Sa ginawa kong iyon ay nagbago ang emosyon ng mukha niya.

Sa halip na sumagot ay bumuntong hininga na lang ako.

“Sinong may deserve naman ang sinuntok mo, ha?” He smirked, talagang proud pa siya. “Bakit ka kamo napa-away?”

Niluwagan ko ang pagbukas ng pintuan para hayaan siyang makapasok. Dumiretso kaagad siya ng upo sa pahabang sofa sa sala habang ako naman ay sa single sofa.

Doon ko na sinabi sa kaniya ang mga nangyari kagabi at katulad ng inaasahan ko, nag-iba kaagad ang timplada ng mukha niya.

Napatingin ako sa mga kamay at braso niyang batak na batak ang ugat dahil sa pagkakuyom ng kamao niya, hindi rin nakatakas sa paningin ko ang paulit-ulit na pag-igting ng bagang niya at ang pagngalit ng mga ngipin niya. Bagaman naka-iwas ang mukha niya sa‘kin ay alam kong galit siya. Galit na galit.

“And I suspected that Amara girl. I can sense that she has something to do with what happened last night. Iyong trato sa‘kin ni Drake kagabi ay masasabi kong planado.” Sabi ko at malamig ang mga matang tumingin siya sa‘kin.

Sa totoo lang ay medyo natatakot ako sa side niyang pinapakita niya sa‘kin ngayon. Noong huling naging ganito siya ay gulo lang ang idinulot, but I hope he learn from it.

Narinig ko siyang nagpakawala ng isang buntong-hininga saka tumayo. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti.

“Three hours. Give me three hours and we’ll close your case in four.”

Tumango kaagad ako. Saglit pa kaming nagtitigan bago ako tuluyang tumayo. “Aalis na ako.”

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at kaagad na lang akong lumabas ng condo ko. Napangisi ako. You’re not messing with the mischievous siblings, Drake— not with a Vera’s.

Nang makalabas ako ng building ay nagulat ako nang bigla na lamang tumambad sa harapan ko si Vinny na ngayon ay hindi mahagilap ang mga mata dahil sa labis na ngiti.

“Hi, Reign!”

Natawa ako sa itsura niya. Cute niya talaga. “Hey, Vince.”

“Come, I’ll give you a ride.” Ni hindi man lang ako nito hinayaang sumagot at basta na lamang tumalikod at naglakad tungo sa kotse.

“Okaaaay?” patanong na usal ko habang nagtataka ang mga tinging nakasunod sa kaniya.

Pinagbuksan pa ako nito ng pintuan sa frontseat kaya naman pumasok kaagad ako. “Thanks, gentleman.”

“Of course, milady.” Aniya pa at napailing na lamang ako at natawa.

“What’s with the serious face a while ago? That’s the first time I saw you with a serious aura wrap around you.” Sabi bigla ni Vincent nang makapasok siya sa kotse at nagsimula nang magmaneho.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now