Chapter 16

211 9 7
                                    

Chapter 16

REIGN's Point of View

Naalimpungutan ako nang mahagip ng ilong ko ang isang napakagandang amoy na siyang naging dahilan para kumulo ang sikmura ko. Hmn, food. Kaagad akong bumangon at lumabas ng aking kwarto, saka ako naglakad papunta sa kusina habang kinukusot-kusot pa ang aking mga mata.

“Good morning.” Bati sa akin ng nakangiti kong kapatid.

Napatingin ako sa kaniya. “Magandang umaga rin.” Nakasuot pa ito ng apron habang may hawak na flipper.

“Tatapusin ko lang ‘tong pancake at kakain na tayo ng breakfast. Umupo ka muna riyan.” Aniya at kaagad naman akong tumalima.

Nang makaupo ay inilapag ko ang cellphone ko sa lamesa saka nakapangalumbabang tumingin kay Kuya. For you to know, my brother is a good cook.

“Anong oras ka nga pala nakauwi kagabi?” nakatalikod nitong tanong sa‘kin.

Bumuntong hininga ako saka binuksan ang cellphone ko. “Pasado ala una y medya na siguro iyon.” Napahikab ako.

Bigla na lang ay magkasunod na tumunog ang notification sa telegram ko, kasabay no’n ay ang pag-appear ng pangalan ni Sandro sa messages.

From: Boss Liit

Hi, just got here in Ilocos, sinundo ako ni Gov sa airport. I didn’t bother to call you na lang coz I know that you’re still asleep.

Sent 4:12 AM

From: Boss Liit

Good morning. I sent you some photos on instagram, by the way. You can check it out. 😉

Sent 6:34 AM

Napangiti ako at kaagad kong tinungo ang instagram ko at totoo ngang may mensahe si Sandro sa‘kin, kaya naman binuksan ko iyon at halos malaglag ang panga ko nang makita ang mga litratong tinutukoy niya.

ANG GAGANDA!

[See attached photos for references.]

]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now