Chapter 04

316 20 3
                                    

Chapter 04

Reign’s Point of View

Naalimpungutan ako nang makaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko. Nakapikit akong tumigalid pero kaagad akong napadaing nang maramdaman ang pangangalay ng likuran ko. Dahan dahan akong nagbukas ng mga mata at doon ko lang nakita kung nasaan ako— SA KOTSE NI SANDRO!

Hindi ko alam na nakatulog pala ako mula sa pag-iyak ko kanina. Napatingin ako sa rearview mirror at nakita ang bahagyang pamamaga ng mga mata ko. Napasulyap ako sa relos ko at talagang nagulantang ako nang makita ang oras— ALAS OTSO NA NG GABI! WHAT THE HELL!?

Bubuksan ko na sana ang pintuan pero kaagad akong natigilan nang may mapansin, nakaupo si Sandro sa driver’s seat at mahimbing na natutulog. Nakasandal lang ang likuran niya at bahagya rin siyang nakatingala sa kisame ng kotse. Kaya naman ginising ko siya.

“Sir...” marahan kong niyugyog ang balikat niya pero hindi siya gumalaw. “Sir Sandro..." hindi pa rin siya gumalaw kaya naman bahagya kong pinisil pisil ang pisngi niya. “Sir.”

Napadaing siya kaya naman tumigil ako at sinilip siya, natutulog pa rin ito. Bigla na lang ay gumalaw siya at ipinilig ang ulo niya sa deriksyon kung saan ako nakasilip sa kaniya. Bumukas ang mga mata niya at kaagad iyong tumama sa‘kin. Nagulat ako roon pero hindi ko naman maigalaw ang katawan ko. Nakatitig lang kaming dalawa sa isa‘t isa.

Ilang beses akong napalunok habang pilit nilalaban ang nanghihigop niyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Gusto kong alisin ang paningin ko sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit parang ang hirap no’ng gawin.

“S-sir,” nautal ako dahil sa labis na kabang nararamdaman, habang siya naman ay kalmado lang na nakatitig pa rin sa‘kin.

“How are you feeling now, Reign?”

Hindi ko alam kung bakit parang ang lambing ng pagkakatanong niya sa‘kin. Sobrang soft niyang magsalita at nalilito ako.

“A-ah,” napakapa ako ng sasabihin. Sa wakas ay nagawa kong iiwas ang atensiyon ko sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin at kaagad na umayos ng upo. “Medyo okay naman na.”

Umayos din siya ng upo saka tumingin sa‘kin. Bahagya itong ngumiti sa‘kin ng tipid, “i’m glad to hear that. Slow improvement counts, and it matters.”

Ngumiti lang ako pabalik.

“Oh? It’s eight in the evening na pala?” aniya habang nakatingin sa rolex niya. “Ihahatid na lang kita sa condo mo.”

Tumango na lang ako at hindi na lang umangal pa. Pagod na ang katawan ko at wala na akong lakas para magcommute pa, siguradong dadagdag lang iyon sa stress ko.

Habang nasa daan kami papunta sa condo ko ay nakasandal lang ako sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana, nakatingin sa mga nakakasabay naming sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa sa loob pero napansin ko siyang binuksan ang player at tumugtog ang kantang Clarity by Zedd.

High dive into frozen waves where the past comes back to life

Fight fear for the selfish pain, it was worth it every time

Hold still right before we crash 'cause we both know how this ends

A clock ticks 'til it breaks your glass and I drown in you again

This song reminds me of so many memories. During 2013, my high school era. Uso ‘to rati sa classroom namin. Kasagsagan ng kantang ‘to dahil bagong release, madalas namin itong kantahin ng mga kaklase ko sa classroom namin with matching hampas ng mga lamesa at upuan na nagsilbing beat at drum namin. Wala sa sarili akong napangiti at sinabayan ang pagkanta ni Zedd.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now