Chapter 23
REIGN's Point of View
NAKATITIG lang ako sa monitor ng laptop ko habang nakapatong sa palad ko ang aking nguso. Kanina pa ako nakatitig sa sulat na dumating para kay Sandro. I was reading the messages on his gmail and responded as well. Ang boss ko naman ay lumabas saglit at hindi ko alam kung saan nagpunta dahil wala rin naman siyang sinabi sa‘kin.
Napabuntong-hininga ako saka napasandal sa swivel chair ko at tumingala sa kisame, ang mga kamay ko naman ay nakapatong lang sa may bandang tiyan ko.
Ayaw ko mang isipin pero hindi naman maiwasang sumagi sa isipan ko ng paulit-ulit ang naging usapan naming dalawa ni Cara nitong nakaraan lang.
“I’m not proving anything, I’m making it clear for you dahil ikaw mismo ay nalilito rin sa nararamdaman mo. What I’m saying is, hindi ‘yan infatuation lang, Reign. Gayong hindi mo naman pala alam kung bakit mo siya nagustuhan, iyon na iyon, gusto mo talaga siya. You don’t need reasons to like someone, it happens initiatively.”
Pero kung may mga salita man si Cara na talagang hindi mawala sa isipan ko, ay iyon na ang mga katagang iyon.
I squeezed my eyes shut and took a deep breath. Hindi ko alam kung bakit ko ba pino-problema ‘to, but this is making me confuse. I reminded myself a couple of times now that I don’t really like him, but the other side of my mind was saying the other way around.
I brush off my thoughts away and decided to focus with what I’m doing instead. Marami akong trabaho’ng gagawin at hindi dapat sa bagay na iyon natutuon ang atensiyon ko.
Bigla na lang ay bumukas ang pintuan at iniluwa no’n si Sandro. Deretso ang tingin ko sa mga mata niya at hindi nakatakas sa paningin ko ang biglaang paghakbang niya ng isang beses.
“Uhm, I bought us some snacks.” He pulled a brief smile but I remain unmoving.
Bigla ay may ideyang pumasok sa isip ko. I really want to make this clear, para na rin matahimik ako. And in order for me to do that, I have to figure it out myself. Para rin naman ‘to sa ikatatahimik ng kaluluwa ko.
That’s why I remain unmoving. I didn’t pull my stares away and make it firm instead. Siya naman ay halatang naiilang pero pilit ding nilabanan ang mga tingin ko. Nanatili siyang nakatayo sa pintuan, at kahit medyo malayo kaming dalawa ay hindi naputol ang titigan namin sa isa’t isa.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
Ni hindi man lang nagbago ang tibok ng puso ko, hindi ito bumilis kagaya ng mga karaniwang nararamdaman ng mga tao sa tuwing nakikita nila ang mga crush nila. I didn’t even feel that thing they called ‘butterflies in my stomach’ thingy. Hindi rin nangangato’g ang tuhod ko.
Dinaig ko pa ang taong manhid.
Pero hindi, totoong walang nagbago sa nararamdaman ko. Normal pa rin ang takbo ng sistema sa buong katawan ko. I now made myself clear, totoong hindi ko gusto si Sandro.
‘That’s a relief.’
Bumuntong-hininga ako saka umayos ng upo. Binigyan ko ng isang nagtatanong na tingin si Sandro, “ba’t nakatayo ka lang diyan?”
“H-ha?” he stuttered. “Ah, ikaw kasi, eh. Nagulat ako sa‘yo, nakipagtitigan ka bigla. May problema ba?” naglakad siya palapit sa pwesto ko.
Pinanood ko siyang ilapag sa harapan ko ang isang pack ng yakult, alam niyang paborito ko iyon, saka ensaymada na galing sa red ribbon.
“Wala namang problema.” Sagot ko sa tanong niya kanina. “Dito ka, sabay na tayong kumain.”
YOU ARE READING
Stuck in Between
FanfictionA Sandro Marcos fanfiction. It hasn't been that long since that night, but Reign just found herself recovering from the pain Roscoe had caused to her without even noticing it. Having Sandro Marcos beside her, her boss and the one who accompanies her...