Chapter 31

172 11 1
                                    

Chapter 31

Sandro’s Point of View

Nakatulog akong buong biyahe. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang kamay na bahagyang niyuyugyog ang balikat ko, at ang mahinahon at kalmado nitong boses na tumatawag sa pangalan ko.

“Sands, wake up. Nandito na tayo.”

Bahagya akong nagdilat ng mga mata. Hindi ko maaninag ang taong na sa harapan ko dahil sa liwanag mula sa nakabukas na pintuan ng kotse na siyang tumatama sa mukha ko. Ilang beses akong kumurap para ma-adjust ang paningin ko. Nang naging maayos na, natigilan ako nang  makita kung sino ang nandito sa harapan ko.

It was Reign.

“Nandito na tayo.” Ulit niya.

“Hmn,” nag-iwas ako ng tingin sa kaniya saka palihim na naghikab.

Nauna na siyang bumaba at sumunod naman kaagad ako sa kaniya. “Where are they?” tanong ko nang hindi ko mahagilap ang mga kasama namin.

“Nagpapa-book.”

“All of them?”

Pagak siyang tumingin sa‘kin at binigyan ko naman siya ng isang nagtatakang tingin, dahilan para bumuntong hininga siya. “Nagsama lang talaga sila.”

“Oh, okay.”

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya saka nilibot ng tingin ang magandang paligid. Pagpasok mo pa lang sa entrance ay para bang ayaw mo ng umuwi at dito na lang tumira habang buhay. Sobrang ganda! I couldn’t find the exact words to explain this stunning place is! This isn’t just a resort, it’s a damn paradise!

Oh man, sigurado akong babalik-balikan ko ang lugar na ito sa tuwing libre ako.

“Simon texted me, hinahanap na nila tayo.” Sabi bigla ni Reign dahilan para bumalik ang atensiyon ko sa kaniya.

Nang marinig ang sinabi niya ay matik na nasira ang mukha ko. Simon na naman? Psh.

“After you,” sabi ko na lang at tumango naman siya. Nagsimula na siyang maglakad kaya naman sumunod kaagad ako sa kaniya.

Habang naglalakad kaming dalawa ay hindi ko mapigilang mamangha sa kung saan man tatama ang mga mata ko. Wala yatang panget sa lugar na ‘to. Parang panandaliang nawala sa utak ko ang badtrip ko kanina pang umaga.

“You look so amaze.” Narinig kong komento ni Reign dahilan para tumingin ako sa kaniya.

“I mean, this place is a paradise, Reign. Sinong hindi mamamangha?”

She shrugged her shoulders. “Yeah, right. Kaya nga ako bumalik dito, eh.”

“Guess, this isn’t your first time in this place, huh.” Sabi ko na lang.

“This is my 5th, actually.”

Ramdam ko ang bahagyang pamimilog ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. Oh, well. Katulad nga ng sinabi ko, sobrang ganda ng lugar na ito, kaya naman hindi na ako magugulat kapag nalaman kong naka-sampung balik na pala siya rito.

“Ayun na pala sila.”

Nilingon ko ang gawing tinitignan niya. Pero kaagad na tumama kay Simon ang paningin ko na ngayon ay parang namamanghang nakatingin kay Reign na ngayon ay tinatanaw ang tila kumikinang na karagatan.

The sparks of his eyes tells a million words I know he couldn’t voice out. That glimpse I saw in his eyes, I know what it meant.

“Let’s go, Sands.”

Sinundan ko ng tingin ang naglalakad na si Reign patungo sa pamilya ko at sa kuya Rouge niya. Kumakaway pa siya sa kanila habang may malapad na ngiti sa kaniyang labi.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now