Chapter 17
REIGN's Point of View
"Kuya, taraaaa! Dito tayo!" hinila ko si Kuya papasok sa loob ng arcade nang makapasok kami sa loob ng mall na pinuntahan namin. "Tara do'n, oh!"
"Maghintay ka nga! Masyado kang excited!" reklamo pa nito na akala mo hindi siya nagpapahila sa'kin.
d-.-b
Tss, engot.
"Gusto kong laruin 'yon!" masiglang sabi ko habang nakaturo roon sa may parang basketball.
"Sandali muna, bibili muna ako ng card para may magamit tayo pang swipe." Anito naman.
"Okay, damihan mo 'yong load para matagal maubos. Bilisan mo, ah? Doon muna ako."
"Okay."
Hinayaan ko siyang pumunta sa counter habang ako naman ay dumiretso na roon sa may basketball. Habang naghihintay ako kay Kuya ay nanood muna ng mga naglalaro na.
Napatingin ako sa katabi kong babae na may hawak na bola. Nakangiti siya at deretsong nakatingin sa ring.
"Tumingkayad ka love tapos sipatin mo ng mabuti iyong ring." Anang lalaki na nasa likuran nong babae at nakahawak din sa bola.
Sweet.
Tipid na lang akong napangiti. Hindi tayo mabi-bitter sa mga magjowa for todays video! Emz. Pero seryoso, I promise myself na hindi na ako magiging bitter sa relasyon ng iba, instead, I'll just pray for them that they'll gonna last to forever. Wala na rin namang saysay kung magpapaka-bitter pa ako, why not maging happy na lang para sa kanila, 'diba?
Supporting someone's relationship doesn't make you less a person, I may say.
Habang nakatingin sa kanilang dalawa ay kaagad na napawi ang ngiti ko at natauhan nang marealized kong sa tinagal-tagal naming dalawa ni Roscoe, hindi nga pala namin naranasang magbonding ng ganito, ang maglaro sa arcade. At dahil iyon sa'kin. I know he just wants a peaceful relationship, na katulad lang din sa dalawang 'to sa harap ko. And as far as I can remember, quality time is his love language. But I failed to give him so much of my time.
I guess I really failed to do my part as his other part. I failed to be his girlfriend.
But still, I didn't find that enough reason to cheat. If he wants to breakup with me, then he should atleast do it in a peaceful way, hindi iyong aabutan ko siyang may ka-ano sa condo ko. Sa huli ay wala man lang kaming closure. Psh.
Let's set aside it first dahil hindi tayo magdadrama for today's video! I am here to enjoy this day with my Kuya dahil hindi naman panghabambuhay ang ganito.
"Here, I got two cards for us."
Napatingin ako kay Kuya Rogue nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko. Napatingin ako sa kamay niya kung nasaan ang card saka kinuha iyong isa.
Ngumiti ako sa kaniya, "thanks!"
Siya naman ay dumiretso rito sa katabi kong ring na bakante rin, iniswipe niya ang card niya saka pinindot ang green button, at gano'n din naman ang ginawa ko. Nang magslide na ang bola ay kaagad kaming nagshoot dahil 40 seconds lang ang mayroon kami.
"Hurry up, Reign!"
"That's what I'm doing!" natatawang sagot ko kay Kuya ng hindi man lang siya tinitingnan.
"You have to gain more points so we can have a lot of tickets!"
"I know, Kuya! I know!"
YOU ARE READING
Stuck in Between
FanfictionA Sandro Marcos fanfiction. It hasn't been that long since that night, but Reign just found herself recovering from the pain Roscoe had caused to her without even noticing it. Having Sandro Marcos beside her, her boss and the one who accompanies her...