Chapter 21

197 10 1
                                    

Chapter 21

SANDRO's Point of View

The feeling I have right now the moment I step foot out of the airplane, is unmeasurable. Finally, I’m back.

I kinda miss this place, and her.

‘Calm down, lover boy.’

I shake my head with the thought I have in my mind. I guess, I’m going crazy, huh?

Habang naglalakad ako palabas ng airport ay tumawag si Reign kaya naman wala pa mang ilang ring ay sinagot ko na ang tawag.

‘I said calm down, Sandro. Kapag ikaw nahalata niya, lagot ka talaga. Akala ko ba ayaw mong malaman niya?’

“Hey,” ako ang unang nagsalita.

“Hi. Saan ka na?”

“Papalabas na ako.”

“Actually, natatanaw na kita.” Narinig ko siyang tumawa ng bahagya.

‘Damn.’

Dumiretso ang tingin ko sa harapan and she was there, leaning on her brother’s car. She’s wearing a very simple clothes yet she’s nailing it.

‘Ang ganda talaga.’ 🥺

Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay ngumiti siya, kaya naman gumanti rin ako sa kaniya. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay sinalubong na niya ako, saka niya kinuha mula sa‘kin ang maleta ko.

I was trying so hard not to put a smile on my lips, para na akong tanga rito. Badly wanna hug her but no, I can’t do that yet.

“Welcome back, Congressman.” Nakangiting bati nito sa‘kin at ngumiti rin naman ako ng sobrang tipid. “How are you way back in Ilocos?”

“Feels home.”

Naglakad na kaming dalawa papunta sa kotseng dala niya. Inilagay niya ang bagahe ko sa nakabukas na pintuan sa backseat. Nang maisara na niya iyon ay saka naman kami sumakay.

“I’ll drive—”

“No.” Hindi pa man ako tapos magsalita ay pinutol na niya ako. “Don’t abuse your body. Just take some rest while I’m taking you home.”

‘...while I’m taking you home.’

Hindi na lang ako umangal pa. “By the way, iyong mga pasalubong mo—”

“I know, I know you have them with you. Bukas, bukas ko na lang kukunin. Just take some rest, hmn?” putol na niya naman.

Napabuntong hininga na lang ako. As much as I wanted to talk to her but I can’t, yet. She’s right, I have to take some rest muna. Things can wait naman, I’ll mind them bukas na lang. Tumango na lang ako at hindi na umimik pa. Habang abala siya sa pagmamaneho ay hindi ko mapigilan ang sarili kong pasikretong tumitig sa kaniya.

As far as I can remember, this is the first time I’m in a car with her and she’s the one who’s driving. Hindi ko alam na sobrang angas pala niyang tingnan kapag nagmamaneho, idagdag pa ang seryoso niyang mukha.

Ilang minuto pa ay nakarating na kaming dalawa sa mismong condo ko. “I can’t stay any longer because just like I said, you have to take enough rest.” Humarap siya sa‘kin. Ako naman ay deretsong tumingin sa mga mata niya, nakikinig ng mabuti. “Since weekends naman bukas, walang trabaho, gamitin mo ang dalawang araw na iyon para magpahinga.”

Ilang segundo siyang tumigil sa pagsasalita. Tumingin siya bigla sa mukha ko at mukhang pinag-aaralan iyon. At dahil nga nakatingin ako sa mga mata niya ay nakita ko ang agarang pagbalatay ng pag-aalala sa mukha niya. Bigla ay inangat niya ang kamay niya at marahang hinaplos ng daliri niya ang eyebags ko dahilan para mapapikit ako.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now