Chapter 25

179 10 2
                                    

Chapter 25

REIGN's Point of View

Halos mabingi ako dahil sa labis na katahimikan na namutawi sa loob ng kotse ni Sandro habang nasa daan kami papunta sa pinakamalapit na ospital. Nang malaman niya ang nagyari sa kamay ko ay tumahimik na lang siya bigla, dahilan para kabahan ako at mag-alala.

Kahit na kalmado lang siya ngayon ay alam kong wala pa rin siya sa huwisyo. Alam kong pinipilit niya lang maging kalmado kahit na galit pa rin siya.

“Sands, are you still mad?” kanina ko pa siya sinusubukang kausapin pero hindi naman niya ako pinapansin. He’s totally ignoring my whole existence.

Sinulyapan ko siya. Walang emosyon ang mukha niya habang nagmamaneho. Drake just made him pull the trigger, masyadong nagalit si Sandro at ngayon ay ako ang nahihirapan sa pagpapakalma sa kaniya.

Hindi na lang ako nagsalita ulit. Sa ngayon ay hahayaan ko na muna siyang pahupain ang galit niya, ‘tho alam ko namang matatagalan siya.

Maya-maya lang ay nakarating na kaming dalawa sa ospital. “I need a doctor, now!” nagulat ako nang bigla ay sumigaw si Sandro. Ngayon niya lang ginamit ang titulo niya para i-prioritize siya.

“Nandito ang anak ng Presidente!”

“Congressman Sandro Marcos is here!”

“Yes, Congressman?” anang doktora na siyang lumapit sa‘min.

“Assist her please.” Isa sa mga bagay na maganda sa kaniya ay hindi niya nakakalimutang gumalang kahit pa galit siya.

“Yes, Congressman. This way please.”

Bago ako tuluyang sumunod sa doktor ay nilingon ko pa muli si Sandro na ngayon ay wala sa akin ang atensiyon. His face is still emotionless. Nag-aalala na ako sa kaniya.

Pinaupo ako ng babaeng doktor sa isang kama na nakahanay sa iba pa, ang iba naman ay okupado rin ng iilang pasyente. This is a public hospital, I may say.

“What happened?” tanong bigla ng doktor habang nililinis niya ang iilang sugat sa kamay ko.

“Napa-away po, doc.”

Hindi na ito umimik matapos kong sumagot. Matapos linisin ang kamay ko ay pinasuot niya ako ng plaster cast. “Huwag mo muna galawin ang kamay mo dahil batay sa x-ray na ginawa natin kanina, may bali ang hintuturo mo.” Anang doctor. “Bumalik ka rito bukas para mapalitan natin ‘yan. Malinaw ba?”

“Opo, doc.”

“Good. Makaka-alis ka na.”

“Salamat po, doc.”

Nang maka-alis na ako roon ay hinanap ko si Sandro kung saan ko siya iniwan kanina. Pero nagtaka ako nang hindi ko siya mahanap, kaya naman lumabas ako ng ospital. Pero kaagad din naman akong naginhawaan nang makita ko siyang nakasandal sa kotse niya.

Tiningnan ko siya pero nag-iwas lang siya ng tingin sa‘kin. Nang makalapit na ako sa gawi niya ay walang imik niya akong pinagbuksan ng pintuan, kaya naman pumasok na lang ako at hinintay na isarado niya ang pinto.

Nahagip ng paningin ko ang rearview mirror kung saan hindi nakatakas sa paningin ko ang isang plastic ng beer at isang plastic ng chichirya. Gulat ko pa itong nilingon sa likuran at hindi nga ako nagkakamali.

Nang makapasok si Sandro sa kotse niya ay magsasalita pa sana ako pero nang maalala kong pinapakalma pa nga niya pala ang sarili niya ay nanahimik na lang ako.

Pinaandar na niya ang kotse niya. Hinayaan ko siyang magmaneho sa kung saan niya gusto. Ilang minuto pa at tumigil kami sa isang park, sa isang tahimik na park. Pinanood ko siyang lumabas sa kotse at kunin iyong mga plastic ng beer at chichirya sa backseat. Nang makita ko siyang naglalakad papasok sa park ay kaagad akong bumaba at sumunod sa kaniya.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now