Chapter 07

258 12 0
                                    

Chapter 07

Reign's Point of View

Nang makarating kami sa mismong mall ay muntikan pa akong hindi papasukin ng guard dahil sa itsura ko. Pero nang maipaliwanag namin dito ang totoong nangyari ay pinayagan din ako nitong pumasok kaya naman dumiretso kami ni Caroline sa women's apparel at namili ng mga damit na swak sa panlasa ko.

Katulad ng suot ko kanina ay isang Jeilur pants pa rin ang pinili ko pero this time ay army green na ang kulay. Good thing ay set iyon, dahil may kasama na iyong puting tube at army green din na blazer. Kaya naman matapos iyong bayaran ni Caroline ay kaagad ko naman iyong sinuot. Habang iyong suot ko naman kanina ay iuuwi ko na lang.

Nang matapos akong mag-ayos ay kaagad kaming dumiretso sa Dimsum Break kung saan namin planong kumain ng lunch. Dumiretso si Caroline sa counter habang ako naman ay naghanap ng mauupuan.

"Ah, aray..." napangiwi ako nang maramdaman ang bahagyang pagkirot ng noo ko. Nakaramdam din ako ng panghihilo at bahagyang umiikot ang paningin ko.

Nakaramdam din ako ng panlalamig ng lalamunan at biglang natuyo ang mga labi ko. Inilabas ko ang maliit kong salamin sa bag ko saka tiningnan ang sarili ko. Mas maayos na akong tingnan ngayon kumpara kanina pero amoy na amoy ko pa rin ang dugo sa katawan ko. Kaya naman inilabas ko ang perfume ko at nagspray ng bahagya sa katawan ko. Inayos ko na rin ang pagkaka-bun ng buhok ko para magmukha naman akong presentable kahit na ganitong may gauze pad ang noo ko.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bag ko pero natigilan ako nang hindi ko iyon mahagilap doon. "Teka, nasaan na 'yon?" tiningnan ko pa muli ang bag ko pero hindi ko talaga makita. "Baka naiwan ko sa kotse ni Cara."

"May problema ba?" sumulpot si Caroline dala-dala ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain namin.

"Hindi ko kasi mahanap iyong cellphone ko, eh. Nakita mo ba?"

"Hindi." Umiling siya. "Sure kang wala sa bag mo?" tanong naman niya at tumango ako. "Wait lang, ida-dial ko."

Inilabas niya ang cellphone niya at tinawagan ang numero ko. Panay lang ang pagring nito at walang sumasagot.

"Siguro nga naiwan ko iyon sa kotse mo. Hayaan mo na lang, kumain na muna tayo."

Tumango siya kaya naman nagsimula na kaming kumain. At habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay nagsalita siya.

"Now, tell me what happened."

Sinulyapan ko lang siya. Nilunok ko pa muna ang pagkaing nginunguya ko saka ko kinuwento sa kaniya ang lahat, sa abot ng kaya kong alalahanin. At katulad ng inaasahan ko ay nagalit nga siya.

"Calm down, okay?"

"Are you kidding me!? How am I supposed to calm down after hearing all the bullshits he have done to you!? nanggagalaiting aniya dahilan para pagtinginan kami ng iba.

"Hoy!" tinampal ko ang likuran ng palad niya saka awkward na ngumiti sa paligid at humingi ng paumanhin sa ibang kumakain. "Umurong ka nga, hinaan mo 'yang boses mo, pwede? Tsk."

Pinandilatan niya ako ng mga mata. "How am I supposed to calm down nga!? Ang kapal ng mukha niya, ah! Gago siya! Gago!"

"Hoy! Hinaan mo sabi 'yang boses mo, eh!" pabulong na singhal ko sa kaniya. Ang tigas ng ulo! Tsk! "Oo na't galit ka, pero hinaan mo naman 'yang boses mo- ah, aray!" kaagad akong napahawak sa noo ko na may gauze nang maramdaman ko iyong kumurot dahilan para mapangiwi ako.

"Reign, okay ka lang?" puno ng pag-aalala ang boses ni Cara nang itanong iyon sa'kin.

"Hmn," tumango-tango ako at ipinilig ang ulo ko. "Medyo kumirot lang."

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now