Chapter 22

191 9 0
                                    

Chapter 22

SANDRO's Point of View

Monday came. Araw na ang lumipas simula noong pumunta kami ng Baguio ni Reign pero eto ako ngayon, parang tanga na nakangiti lang sa kawalan. I can’t forget what I feel during that moment that we’re together.

I can feel so much happiness inside me. Sobrang sarap niya sa pakiramdam, and I want to feel this for the rest of my life.

Nalungkot pa nga ako noong kailangan na naming bumalik ng Manila dahil gusto ko pa sana siyang makasama, pero wala rin naman akong magagawa. And besides, ngayon na nakabalik na ako, mas madalas ko na siyang makakasama at makikita.

“I don’t think you just simply like her.” Kausap ko ngayon ang kaibigan kong si Vale. Sa sobrang tuwa ko ay nakwento ko sa kaniya ang mga nangyari nitong nakaraan.

“What do you mean?” bagaman nakakunot ang noo ko ay medyo ngumiti ako.

Umiling ito. “You no longer like her, buddy. You love her. As in, you really love her. You have fallen deeply for her.”

“How can you say?” Kontra ko. I don’t dislike that idea but isn’t it too fast?

“Come on, Sands. Look at yourself. Look how glooming you are despite of those dark circles under your eyes.” He chuckled. “But to be serious, I don’t really know how it happened that quick.” He snapped his fingers. “Anyway, where is she right now? Can I see her?”

Kaagad naman akong umiling at napanguso naman siya, “nah, not yet. I’ll introduce you guys to her once I made these feelings clear—”

“Good morning, Congressman!”

Nagitla ako sa sobrang gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa noon si Reign na ngayon ay ngiting-ngiti na nakatingin sa‘kin.

“Nagulat ba kita, Sands? Hahaha! Cute niyang mukha mo! Shock ‘yarn?” Tumatawang aniya at napailing na lang ako nang makabawi.

“Hey, good morning.”

Ngumisi siya bigla sa‘kin saka kumindat. “I heard that. Hihihi. Ikaw, ah? You like someone na pala, ah? Hindi mo man lang sinabi sa‘kin. Nakakatampo ka. Char! Joke lang!”

What!? She heard that!?

Pasimple akong sumulyap kay Vale na ngayon ay sobrang lapad na ng ngisi, alam kong narinig niya ang sinabi ni Reign at mas lalong alam ko na naintindihan niya ‘yon!

“May kausap ka pala? Sino ‘yan? Is that the one you like? Let me see naman!”

Huli ko nang naiiwas ang cellphone ko dahil mabilis sa alas kwatro pa itong sumilip sa screen, at hindi nakatakas sa paningin ko kung paano nagbago ang reaksiyon niya nang mapagtantong lalaki ang kausap ko.

Taka itong tumingin sa‘kin.

“N-no, it’s not what you think. I-i don’t s-swing that way. He’s my friend.” Paliwanag ko naman sa kaniya kaagad.

Pero pinagtawanan lang niya ako. “Hahaha! Alam ko naman ‘yon, ‘no! Binibiro ka lang, eh! Hahaha! Loko!” tumayo siya sa likuran ko at ngayon ay kita na kaming dalawa sa camera. “Hi, Sandro’s friend!”

Pasimple kong tiningnan si Vale na ngayon ay pinipigilan ang matawa.

‘Makuha ka naman sa tingin!’

“Why not introduce us to each other, Sands?” tanong bigla ni Reign dahilan para magulat ako.

What!? Not now! Not yet!

“Good suggestion!” Vale seconded.

At hindi na lang ako umangal pa. “Reign, this is one of my friends in London, Vale Pendelton. Buddy, this is my secretary, Reign Louisse Vera.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now