Chapter 10

307 12 9
                                    

Chapter 10

SANDRO’s Point of View

I look at my shirt after washing the dishes and I sighed in disbelief when I saw how wet it is. Damn it. Tsk.

Napatingin ako sa pintuan nang tumunog ang doorbell, it must be Vincent. Nang buksan ko na ang pintuan ay hindi ako nagkakamali, si Vincent nga ‘yon, dala ang mga inutos ko sa kaniya.

“Here,” aniya saka binigay ang bag.

Binuksan ko naman iyon saka tiningnan, naglalaman iyon ng mga damit at iilang gamit ko, saka ko iyon sinarado pagkatapos. “Thanks for this.”

“I have to go now.”

“Don’t you want to come in?”

“No, thanks. I have to go somewhere.” Tanggi niya sa alok ko. “Where’s Reign, by the way? How is she na nga pala?”

“She’s inside, taking some rest to gain her energy back.” Sagot ko naman.

Tiningnan nito ang kabuuan ko. “Ohhh, you got your shirt wet. You washed dishes?”

“Yeah,” I nodded.

“Guess you’re bad at it, huh?”

“Shut up, Vincent.” I answered him irritatedly. Ugh, so annoying. Nakangisi itong tumingin sa‘kin kaya naman pinagkunutan ko ito ng noo. “What?”

He shrugged his shoulders. “I just have something in my mind.” He chuckled. “Don’t get mad at this Kuya but, I find you really cute today since you look like a husband taking care of his sick wife.” Ibinulong pa niya sa‘kin ang huling linya.

“What the— cut it, Vincent!” saway ko rito. “Tsk! Enough with your daydreams already!”

“What? Hahaha! I’m serious, okay? And mind you, if only Reign isn’t brokenhearted right now? I would probably ship the two of you. I’ll be the captain of your ship and promise to keep it sailing—”

“Damn it! Kilabutan ka nga!” singhal ko rito pero tumawa lang ‘to. How dare!

“Believe me, Kuya. You two can be a great couple.” Kumindat pa ito sa‘kin saka tumalikod na. “Byeeeee!”

Napapailing na isinara ko na lang ang pinto. Sira talaga ulo ng isang ‘yon, kung ano-ano ang pumapasok sa utak. Tsk.

Inilagay ko ang bag sa may sofa saka hinanap si Reign sa kwarto niya, pero dismayado akong lumabas dahil hindi ko siya mahagilap doon. Hanggang na nakarinig ako ng tunog ng gitara mula sa balkonahe, kaya naman pumunta ako roon.

Naabutan ko siyang nakayakap sa isang gitara habang nakatitig sa kawalan. “Why so blue?” tanong ko rito.

Sumulyap lang siya sa‘kin, saka tumingin sa katapat naming building. Ako naman ay naglakad at nakiupo sa sofa pero malayo sa kaniya. Sa may dulo siya habang ako naman sa may isa pang dulo.

“I’m sorry to ask this but... how do you moved on from Annica, Sandeng?”

Natigilan ako sa tanong niyang iyon, hindi ko inaasahan. Napalunok ako saka napatingin din sa building na tinitingnan niya.

“I don’t really know how but maybe because we no longer see each other, talk to each other, or maybe because we lost connection?” I was unsure of my answers.

“But you still love her, right?”

Napalunok ako, “y-yeah...”

“If after almost a decade of not seeing her and having no connections with her yet still, here you are, loving her. Then, I can still love Roscoe, right?” Matamlay na tanong niya sa‘kin.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now