Chapter 05

316 12 4
                                    

Chapter 05

Vincent’s Point of View

Napahikab ako habang nakatingin kay Kuya Sandro na ngayon ay nakatitig lang sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip. Si Simon naman sa gilid ay mapupungay na ang mga mata at halatang pinipigilan lang ang sariling antok.

Napangiwi ako nang maalala kung paano ito tumawag sa‘min ng ganitong oras. It was already passed 10 in the evening at tinawagan niya kaming dalawa ni Simon para papuntahin dito sa tea shop malapit sa condo niya. Pero ito kaming tatlo ngayon, tahimik lang at parehong nagpapakiramdaman sa isa’t isa.

“What now, Kuya? I’m sleepy na, oh.” Anang Simon habang nakapatong ang nguso sa mga palad niya. “Bakit mo ba kasi kami pinapunta rito?”

“Oo nga, Kuya. Bakit nga ba?” sumabat na rin ako pero hindi pa rin ito umimik. “Kuya...” nakanguso na ako.

Tumingin ito sa‘ming dalawa ni Simon at parehong inirapan. “Stop acting like you’re not a night owl.” Ganitong oras at nagtataray siya. Psh. “I need to ask you favor.”

“Yeah?”

“Guys, this is about Reign, okay? I need your help.” Seryosong sabi niya at kaagad namang umangat ang isang kilay ko. Humugot pa siya ng isang malalim na hininga bago muling nagsalita. “I was worried sick about her. She was broken hearted and most broken hearted often commits—”

“...suicide?” putol ko sa kaniya.

“Yes.”

“Have you lost your mind, Kuya!?” tila nawala ang antok ni Simon dahil sa lakas ng pagkakatanong niya.

Napabuntong hininga si Kuya Sandro saka nahilot ang sintido niya. “Look, I also don’t want to think this way pero hindi tayo pwedeng pakampante, okay? Hindi natin alam ang takbo ng utak niya.”

Pareho kaming hindi umimik ni Simon at nag-iwas lang ng tingin. Actually, naiisip ko rin iyong naiisip niya but, isn’t it... too much? Or, are we just being so paranoid?

“I don’t think she can do that to herself.” Kontra naman kaagad ni Simon. “Hindi rin naman halata sa kaniyang gagawin niya iyon.”

“That’s it, Si. That’s actually what I’m worried about. Siguro hindi niya lang pinapahalata sa‘tin. She may smiling from the outside but we don’t really know what she feel. Siguro sinasabi niya lang na okay lang siya pero hindi naman talaga. The people who smiles the most are the one’s the most broken in the inside.” Mahabang litanya niya.

“You’re just being paranoid, Kuya—”

“Simon!”

“Hey,” awat ko kay Kuya Sandro nang isinghal niya ang pangalan ni Simon. He looks so frustrated. “Calm down, okay? Don’t worry, we’ll help you. Right, Si?” Nagkatinginan kaming dalawa ni Simon at pinandilatan ko naman siya ng mga mata.

Natatalo siyang napabuntong hininga. “Fine. Now tell us what do you want us to do and just leave it to us.”

“I want you guys to be attentive to her. Always check on her as often as possible. And if possible, gusto kong salitan tayong tatlo sa paghahatid at sundo sa kaniya. Lilibangin natin siya hanggang sa makakaya natin para malihis ang atensiyon niya sa sakit na nararamdaman niya. At kung pwede lang din sana ay iwasan nating banggitin sa kaniya si Roscoe, or anything that has traces about him.” Walang umimik sa‘ming dalawa ni Simon. “Please guys, I’m begging you to help me.”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Simon nang sabihin iyon ni Kuya Sandro. Saglit pa kaming nagpalitan ng mga tingin bago kami sabay na bumaling kay Kuya. He looks so stress na, mas gwapo na tuloy ako sa kaniya lalo. Haist.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now