Chapter 15
REIGN's Point of View
Napadilat ako nang mga mata saka iritableng umupo mula sa pagkakahiga nang hindi man lang ako dinalaw ng antok. Ilang oras na akong nakahiga sa kama ko pero wala, gising na gising ang diwa ko. Tsk.
Nasampal ko ang sarili kong pisngi saka napangiwi nang masaktan. Napabuntong hininga ako saka humiga ulit at nagtalukbong ng kumot. I squeeze my eyes shut and force my self to sleep but my soul definitely says, NO! Argg! Why the hell can’t I sleep!?
Napasulyap ako sa wall clock ko rito sa kwarto at doon ko napagtantong pasado alas dose na pala ng gabi.
‘Na sa airport na kaya siya?’
Natigilan ako nang maitanong ko iyon sa sarili ko. Mamaya na nga pala ang alis niya. Inabot ko ang cellphone ko sa may side table at tiningnan ang messages, pero wala akong natanggap maski isang text mula kay Sandro, kahit missed call ay wala rin.
‘Na-offend kaya siya sa inasal ko kanina?’
Hindi ko maiwasang mag-alala sa isipin kong iyon. Naguilty ako bigla. Bakit nga ba ginanon ko siya kanina? Tsk!
“Ikaw naman kasi Reign, eh. Dami mong drama sa buhay. Tsk.” Nasabi ko sa sarili ko.
Napabuntong hininga na naman ako saka napabalikbas ng bangon. Tsk! Ano bang nangyayari sa‘kin? Para na akong tanga na paulit-ulit humihiga tapos babangon kapagkuwan!
“But if you really want to see me before I go, pwede mo akong ihatid sa airport mamaya.”
Natigilan ako nang maalala ang sinabi niyang iyon sa‘kin kanina. I have this feeling na gusto ko siyang makita bago siya umalis.
Pero—
‘NO MORE BUTS, REIGN! GET THE FUCK UP AND DRESS! FASTER!’
SANDRO's Point of View
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang binabaybay namin ng mga kapatid ko ang daan patungo sa airport. Si Simon ang nagmamaneho, si Vincent ang nakaupo sa front seat habang ako naman sa likuran.
Actually ay hindi ako nakatulog buong magdamag. Pinilit kong magpahinga pero ayaw ng katawan ko. Hindi mawala sa isip ko si Reign.
Darating kaya siya?
But I don’t think so. Nagwalk-out siya kaninang hapon, so I think hindi talaga siya darating. Napabuntong hininga ako saka napasandal sa upuan at tumingala sa kisame ng kotse.
Sa totoo lang ay gusto ko siyang tawagan kanina, pero baka nagpapahinga na siya, ayaw kong makaistorbo. Kahit ang pagtext sa kaniya ay tila napakahirap para sa‘king gawin.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa airport. “Ilang minuto na lang at aalis na ang eroplano.” Sabi ni Vincent.
“Yeah, I’d better go.”
“Wait, hindi ba darating si Reign?”
Natigilan ako sa tanong na iyon ni Simon. Umiling na lang ako. “Hindi, tulog na iyon ngayon panigurado.”
“Nananaginip kamo.” Anang Vinny dahilan para matawa kaming tatlo.
“Sige na, baka maiwan ka pa ng eroplano. Mag-iingat ka pauwi, Kuya. Sasalubungin ka raw ni Gov sa airport mamaya.” Anang Simon.
Well, kaninang hapon kasi ang flight nina Matthew, Jamie at Mia pauwing Ilocos Norte.
“Yeah, thank you for dropping me here. Sige na, go home and take some rest. I know you’ll both have a busy day this morning.” Sabi ko naman sa dalawa.
YOU ARE READING
Stuck in Between
FanfictionA Sandro Marcos fanfiction. It hasn't been that long since that night, but Reign just found herself recovering from the pain Roscoe had caused to her without even noticing it. Having Sandro Marcos beside her, her boss and the one who accompanies her...