Chapter 32

148 8 5
                                    

Hello po, pasensiya na po kung ngayon lang po ako nakapag-update. College na po kasi ako at medyo busy na po ako sa school. Huhu sorry talaga. I’ll try my very best to post an update as often as possible. Sana po maintindihan ninyo. Maraming salamat po pala sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta sa storya’ng ito.

Chapter 32

SANDRO’s Point of View

Natutuwa ako sa paraan ng pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking balat habang tinatanaw ko ang magkikislapang karagatan sa aking harapan na aakalain mo’y kristal ang mga iyon. Nandito ako sa balkonahe pero this time ay sa second floor na. Kaya naman hindi hamak na mas tanaw ko ang kabuuan ng resort at kalapit isla rito kumpara sa ibaba.

Ang mga kasama ko? Sina Mama at Pops ay nagpa-alam na maglalakad-lakad na lang daw muna at hahanap ng magandang spot para tambayan mamaya, nagto-tour na rin sila ng sila lang. Nagmo-moment kumbaga. Si Kuya Roscoe at Vincent naman, ayon na ang dalawa’t tanaw na tanaw ko rito mula sa pwesto ko’ng nagje-jetski racing. Simon and Reign? Huwag niyo na akong tanungin dahil wala akong ideya. Sa madaling salita, naiwan ako rito sa villa na mag-isa. Oh, mas tama yatang sabihin na nagpaiwan ako ritong mag-isa.

Habang gano’n ang senaryo ko ay naramdaman ko ang biglaang pag-vibrate ng cellphone ko, tumatawag si Vale at nagre-request ng video call.

“Congressman!” malapad ang ngiti na bungad niya sa‘kin at ngumiti rin naman ako pabalik. Nasa isang jacuzzi siya. “What a brief smile you gave me in return, I’m hurt.” Biro niya at napaling naman ako. “It looks windy in your line.” Nakangiwing puna niya.

“Yeah, I’m in a vacation.”

“Yeah? Really? Good to hear that! May I see?” tumango naman ako at pinundot ang back cam para makita niya ang view. “W-wow... that place looks majestic! I didn’t know such place exist!”

“Yeah, Reign chose this for me.”

“Really!?” walang mapaglagyan ang labis na gulat at tuwa sa mukha niya. “Neh? You don’t look happy at all, don’t you like it? Hindi ba’t dapat ay kinikilig ka ngayon?” binulong niya ang huling linya.

“I’m grateful, I really do. It’s just that, wala ako sa mood para magdiwang.” Nakasimangot na sabi ko at tinanaw sina Vincent na hanggang ngayon ay nagpapaligsahan pa rin sa dagat.

“Neh? Oh well, your face says it all.” Matabang na aniya. “Why naman? Something came up?”

Should I tell him? “I just figured out one thing. Actullay, Simon confessed sonething to me last night.” Sinulyapan ko lang siya at nakita ko naman siyang nakikinig ng mabuti.

“Yeah? What is it— oh, no you don’t...” alam kong natunugan na niya ang dapat na sasabihin ko. “It’s not what I’m thinking, right?” sa halip na sumagot ay binigyan ko lang siya ng isang napapagod na tingin. “Goodness, problema ‘yan.”

“Yeah, at mukhang mauunahan pa ako.”

“Look, I have nothing against with your brother okay, he’s a brother to me too. But bro, come on! Do something already!” frustrated na aniya. Kita niyo na? Frustrated siya sa buhay pag-ibig ng iba.

“My Mom knows that I like her.” Tiningnan niya ako. “I am not that obvious with my feelings bro, trust me. But my Mom just feel it, in her radar. You know, girls instinct.”

“So the reason why you’re like a pale potato right now is because your brother just confessed to you that he likes her. You both like the same person.”

“Yeah, I know right. Hahaha! Bibilhan ko rin ng maraming pasalubong si Caroline!”

Hindi ko alam kung bakit matik na kinabahan ako nang marinig ang boses na iyon ni Reign dahilan para aligaga kong pinutol ang usapan naming dalawa ni Vale. Nang lumingon ako sa likuran ko ay sina Simon at Reign ang rumehistro sa mga mata ko. Sabay pa silang lumingon sa‘kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now