Chapter 14

210 11 2
                                    

Chapter 14

REIGN's Point of View

“Thank you sa lunch today, Si.” Pagpapasalamat ko kay Simon.

Nandito na kaming lahat ngayon sa labas ng restuarant, nagpapaalam na dahil marami pa akong gagawin mamaya.

“Sure, no worries.” Nakangiti namang tugon nito sa‘kin.

“Mauuna na kami ni Reign sa inyo.” Anang Sandro saka bumaling kay Mia. “Goodbye, baby. Be good, okay?”

“Yes po, Tito Sandwo.” Sagot naman nito saka bumaling sa‘kin. “Goodbye too, Ate Ulan. I’m going home na.”

“Goodbye, baby M. I’m gonna miss you.” Sabi ko rito saka ginulo ang buhok nito. “Be good, okay?”

“Opo, Ate Ulan! Bye everyone! Bye Tito Si and Tito Vin! I’m going home na!” kumakaway na sabi nito saka sumakay sa kotse ni Gov. “I’m going to visit you next time! Byeeee!”

Nang makaalis na ang kotse ni Gov. Matt sakay sina Mia at Ate Jamie ay bumaling na ako sa magkakapatid.

“Aalis na rin ako. I have to go somewhere.” Anang Simon.

“Sasabay na lang ako sa‘yo, Kuya Si. I didn’t have my car with me.” Si Vinny.

“Okay.” Bumaling ito sa‘kin kaya naman ngumiti ako rito. “Mauuna na kami sa inyo. Kuya, alis na kami.”

“Ingat sa pagmamaneho, Simon.”

“Bye, guys! Thanks again, Si!”

“Goodbye, Kuya, Reign!”

Tumango na lang ako saka sinundan ng tingin ang dalawa na ngayon ay nakasakay na sa kotse ni Simon.

“Tara na?” bumaling sa‘kin si Sandro kaya naman tinanguan ko na lang siya.

“Akala ko ba magpapalibre ka sa‘kin ng lunch?” tanong ko kay Sandro nang makasakay na kaming dalawa sa kotse niya.

Minaniobra niya ang sasakyan pabalik sa opisina niya. “Minsan lang manlibre si Simon, eh.” Aniya at natawa naman ako.

“Minsan lang din ako manglibre, Sands.” Pang-aasar ko naman sa kaniya.

Nilingon niya ako. “Guess, you got a new nickname for me, huh.”

“Actually, ang dami kong pwedeng itawag sa‘yo.” Humagikhik ako.

Bigla na lang ay napansin kong nagring ang cellphone ko kaya naman kaagad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag ng Kuya ko nang makita ko ang caller ID.

“Kuya Rogue, napatawag ka?”

“Nothing really important. I just want to inform you na susunduin kita mamaya after work.”

Kaagad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “But you don’t have a car—”

“I have one now.” Putol kaagad nito sa‘kin. Narinig ko ang matunog nitong pagngisi. “Kakabili ko lang ngayon.”

“Ano!?” gulat kong tanong. “Bakit ka naman bumili niyan eh hindi naman ‘yan importante!?”

“Excuse me sister, importante ‘to, okay? To save money.” Sagot naman niya.

“Save money mo mukha mo! Gumastos ka nga, eh. Save money, save money.” Umirap ako.

“And it will be more convenient to have your own car since I’m planning to gala, okay? Since narito na rin naman ako sa Pilipinas, lulubusin ko na.” Ramdam kong nakangisi siya mula sa kabilang linya.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now