Chapter 19

190 10 2
                                    

Chapter 19

REIGN's Point of View

Bandang alas sais na ng hapon nang magdesisyon kami ni Kuya na umuwi. Pagod na rin kasi ang katawan ko at gusto ko ng magpahinga, medyo masakit na rin kasi ang mga paa ko. Tapos na rin naman kaming kumain ng hapunan kaya pwede ng umuwi.

“Wait,”

Napatingin ako kay Kuya nang pigilin niya ang akmang pagbuhay ng makina. “What?”

Kumunot ang noo ko at taka siyang tinignan nang bigla ay suminghot-singhot siya na animo’y asong may inaamoy.

“Why does my car smells... what is this smell? Liquor?” aniya saka takang tumingin sa‘kin.

Oh shoot! Pinasakay ko nga pala sina Roscoe at Monet kagabi! Eh, galing bar pa naman ang dalawang iyon!

“What?” tanong ko kay Kuya nang mag-iba ang tingin nito sa‘kin.

“You know I work in the NBI in Vegas, Reign. And you can’t lie to me since I have my ways to figure things out. Now admit it, where have you been last night right after you left the airport?” seryosong tanong nito sa‘kin.

See? He even know I just left the airport before I bumped myself in such things.

Alam kong wala na akong kawala sa kaniya at kailangan kong aminin ang totoo. But how should I say it? Knowing that Roscoe is involved and he doesn’t know about us anymore. Ang alam ko ay alam niyang kami pa ring dalawa. Tho, he didn’t mention my relationship with Roscoe mula noong makauwi siya rito sa Pilipinas.

“Now, what? Cannot find a good alibi? Come on, I’m waiting for your response.” Naka-cross arms na aniya.

Bumuntong hininga ako. “Look, I don’t know if your thinking that I went to a bar last night after leaving the airport. And I want to prove you wrong with that thought if you really do, so, no, I didn’t. The truth is, nakita ko ang boyfriend kong si Roscoe kagabi sa labas ng isang bar na sobrang lasing and so, hinatid ko siya sa kanila.” That’s the safest thing I can say.

Pero nalilito ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maamin sa kapatid ko na hiwalay na kaming dalawa. Hindi ko kayang sabihin. Maybe because I still love him at umaasa pa rin akong magkakabalikan kami? Hmn, baka nga.

Ilang segundo pa siyang tumitig sa‘kin bago ito tumango. “Okay, I see.” Aniya at naginhawaan naman ako. Alam kong napaniwala ko siya roon.

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan saka na nagmaneho. “Hindi ko yata nakita si Roscoe mula ng makauwi ako rito sa Pilipinas.”

I was caught off guard with what he said. Gulat akong napatingin sa kaniya at nang tumingin din siya sa‘kin ay inayos ko ang sarili ko. Tumikhim ako. “Oh yeah, yes. About him, he’s busy with his work.”

“And that is?”

What should I say? Wala namang trabaho si Roscoe. Tho, noon meron pero natanggal siya. “Uhm,” damn it! What situation did I just put myself into!? “Ah, he’s currently working in a beach hotel, currently the Manager.”

“Wow, impressive.” Namamangha siyang tumingin sa‘kin, halatang hindi makapaniwala. “That’s good. I might visit in that place. Ano nga pala iyong pangalan?”

What!? Now, I am seriously doomed! “White Sand Beach Resort.” Nasagot ko.

“You should come with me when I visit that resort a week from now, I guess? You know, for discount.” Tumawa pa siya kaya sinabayan ko na lang siya.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now