Chapter 09
Sandro’s Point of View
It’s already passed 11 in the evening and Simon and Vincent went home already. While Caroline, Reign’s bestfriend fell asleep on the sofa, right exactly sa sala. Habang ako naman ay nakaupo pa rin dito sa gilid ni Reign, pinagmamasdan ang namumutla niyang mukha. Kinapa ko ang noo at leeg niya at nadismaya ako nang mapagtantong mataas pa rin ang lagnat niya.
Natigilan ako nang bigla ay hinawakan ng medyo mainit niyang kamay ang kamay ko. Natitigilan akong napatingin sa kaniya na ngayon ay nakapikit lang at mukhang hindi alam ang ginagawa.
“P-please s-stay...” garalgal ang boses na aniya. “Please... d-don’t l-leave me.” Habang nakapikit pa rin ay nagsimulang tumulo ang luha niya, dahilan para mapalunok ako. “P-please s-stay, I’m b-begging you to s-stay...”
“Don’t worry, Reign. I’m here. I won’t leave your side.” Mahinang sabi ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa maamong mukha niya.
Nakapikit, humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko at inilagay ang mga iyon sa pisngi niya, marahan niyang dinadama. “M-mahal kita, Roscoe. M-mahal na m-mahal...”
Natigilan ako nang marinig ang huling sinabi niya. Bumagsak ang mga mata ko sa kamay kong hawak pa rin niya, saka ako pagak na napangiti. Pinahid ko ang iilang butil ng luha sa gilid ng mga mata niya, saka ko inayos ang iilang hibla ng buhok niya sa noo.
‘Don’t worry, Reign. I’m not Roscoe, and even if you didn’t ask, I promise I won’t leave you.’
Reign’s Point of View
Naalimpungutan ako nang may maramdaman sa bandang puson ko, medyo mabigat iyon dahilan para mahirapan ako sa paggalaw.
Napadaing ako nang bigla ay bahagyang kumurot ang noo ko, tsk. Ang lalamunan ko ay sobrang tuyo na dahilan para mapalunok ako ng laway. Medyo masakit din ang ulo ko, at parang nakakatamad igalaw ng buong katawan ko. Pero kahit gano’n ay pinilit ko ang sarili kong bumangon, pero natigilan ako nang may mahagip ang paningin ko.
Gulat akong napatingin sa kaliwa ko at naramdaman ko ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Sandro sa tabi ko! Why is he— wait, am I dreaming again!? Probably but—
Napatingin ako sa may bandang puson ko kung saan nakayakap ang isang braso niya. What!? Kaya pala medyo masakit ang banda ko ro’n! Gulat pa rin akong nakatingin sa kaniya at halata sa maamo niyang mukha ang labis na pagod.
Am I dreaming again!? Bahagya kong tinampal ang mukha ko at napangiwi ako ng masaktan. Of course, I’m not dreaming!
Kahit masakit ang katawan at mabigat ang ulo ay kaagad akong napabalikwas ng bangon. Napatingin ako sa kabuuan ko at doon ko lang napagtanto na iba na ang suot ko. Wait— no, wait! Siya ba iyong nagpalit ng damit sa‘kin? Edi, nakita niya iyong katawan ko!?
Wala sa sarili akong napayakap sa sarili ko habang panay pa rin ang paglunok at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa natutulog na si Sandro.
Nakarinig ako ng kalansing ng mga kutsara kaya naman dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa kusina— roon ko nadatnan si Caroline na naghahanda ng agahan.
“Cara?”
“Oh, Reign. Gising ka na pala. Good morning.” sumulyap lang siya sa‘kin.
“Good morning.”
“Can you tell me what happened last night? And, why is Sandro sleeping beside me? And is he...” napatingin na naman ako sa kabuuan ko. “Is he the one who changed my clothes?” sunod-sunod kong tanong.
YOU ARE READING
Stuck in Between
FanficA Sandro Marcos fanfiction. It hasn't been that long since that night, but Reign just found herself recovering from the pain Roscoe had caused to her without even noticing it. Having Sandro Marcos beside her, her boss and the one who accompanies her...