Chapter 20
REIGN's Point of View
“Hey, sleepy head. Are you sure you’re not coming with me?” Ilang beses na ba akong tinanong ni Kuya? In fact, kagabi pa niya ako kinukulit.
Napaungol ako at nagtalukbong ng comforter dala ng pagkairita. “How many times do I have to tell you? And I had declined your offer a thousand times now, didn’t I?”
Gusto niya kasing mag sky diving at may balak pa ang gago’ng isama ako gayong alam naman niyang may fear of heights ako. Ang engot talaga. Tsk!
“I was just hoping na magbago ang isip mo, but I guess you didn’t. So, I guess aalis na lang ako.”
Inalis ko ang pagkakatalukbong ng conforter sa mukha ko saka tamad na tumingin sa kaniya. “Go ahead then.”
He pouted. “Ayaw mo talaga akong samahan?” pamimilit niya pa pero buo na ang loob kong magpa-iwan, kaya naman umiling na lang ako.
“May lakad kami ni Caroline mamaya, susunduin niya ako rito.” Sabi ko at hindi nakatakas sa mukha ko ang pag-iiba ng templada ng mukha niya. Bitter pa rin?
Well, may crush kasi ang lalaking ‘yan sa best friend ko rati. He even confessed to Cara pero hindi naman siya nanligaw. And as far as I can remember, kaya niya piniling manirahan sa Las Vegas ay dahil nasaktan siya ng sobra nang malaman niyang may boyfriend na pala si Cara.
“Fine, fine. Whatever.”
“Don’t worry, ikakamusta kita sa kaniya.” Nakangising sabi ko.
“Sus, kahit huwag na.”
“Ang bitter mo! Umalis ka na nga!” naiinis na singhal ko rito. “Ba’t kasi hindi mo niligawan!? Duwag!”
“Hoy! Foul ‘yon, ah?”
“Whatever!” binirahan ko siya ng isang pamatay na irap. “Alis!” pangtataboy ko sa kaniya. Istorbo, kitang natutulog iyong tao tapos nag-iingay. “Just call me.”
“Yeah, whatever. I’m going.”
Hindi ko na siya pinansin pa at nagtalukbong na lang ulit ako. Narinig ko ang mga yabag ng paa niya papaalis hanggang sa nakarinig ako nang pagbukas at pagsarado ng pintuan.
Asungot.
Bumalik na lang ako sa pagtulog.
|•________•|
Naalimpungutan ako nang marinig ang hindi matigil na pagring ng cellphone ko. Kahit inaantok pa ay dinampot ko ang cellphone ko sa‘king tabi at basta na lang sinagot ang tawag.
“Hmn?”
“HMN!? ANONG HMN?! HOY REIGN LOUISSE VERA! WHERE THE HELL ARE YOU!?”
Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses na iyon. Tiningnan ko ang caller ID at tama ngang si Caroline ang tumatawag.
“Of course, I’m in my condo. Saan pa ba?” inaantok at tinatamad kong sagot.
“What!? I’m gonna kill you, carrot! Kanina pa ako tumatawag sa‘yo at hindi ka man lang sumasagot!? What happened to you, ha!?”
“Tss, ang ingay mo.”
“Aba’t gago ‘to! Hindi ba’t may usapan tayong gagala tayo ngayon!? Kanina pa kita tinatawagan at ngayon mo lang naisipang sumagot!? Pinagloloko mo ba akong babae ka!?”
YOU ARE READING
Stuck in Between
FanfictionA Sandro Marcos fanfiction. It hasn't been that long since that night, but Reign just found herself recovering from the pain Roscoe had caused to her without even noticing it. Having Sandro Marcos beside her, her boss and the one who accompanies her...