Chapter 06

262 12 8
                                    

Chapter 06

Reign’s Point of View

Nakatingin lang ako sa screen ng laptop ko habang nagbabasa ng mga emails na siyang sunod-sunod ang pagdating. Matapos sagutin ang ibang email ay sinusunod ko naman ang iba pa. Nagta-take down notes na rin ako ng mga nagpapa-set ng appointments kay Sandro at sinusubukang isingit sa schedule niyang sobrang sikip na.

Wala sa sarili akong napasulyap sa gawi niya na ngayon ay nakaharap din sa screen ng laptop niya at busy sa pagtipa. Litaw na litaw na ang naglalakihan at nangingitim niyang eyebags dahil sa sobrang stress at pagod. Hindi ko rin maiwasang punahin ang timbang niya. Medyo nabawasan ang timbang niya kumpara rati, literal na stress at pagod na siya.

Itinuon kong muli ang atensiyon ko sa ginagawa kong schedule niya. Napabuntong hininga ako ng may maisip. Tama! Hindi naman masamang bawasan ko ang mga gawain niya kahit ngayong linggo lang. Alam kong wala rin siyang sapat na pahinga nitong mga nakaraang linggo dahil sa dami ng ginagawa niya. Tama, babawasan ko na lang. Kahit sa ganito kaliit na bagay man lang ay makatulong ako, para kahit papaano ay may maiambag din naman ako sa buhay niya.

“Ang ganda mo.”

Wala sa sarili akong napatigil sa pagtitipa sa keyboard ng laptop ko nang sumagi na naman iyon sa isipan ko. Damn it! That dream! Sa dami-dami ng pwede kong mapaginipan, bakit iyon pa? Bakit si Sandro pa na boss ko!? Kaasar talaga!

Sa tuwing naaalala ko ang panaginip kong iyon ay kinikilabutan ako, hindi ko alam kung bakit. Kaninang umaga nga rin ay naaasar ako kasi hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. Sa tuwing tumitingin ako sa kaniya ay ang imahe niya noong gabing iyon ang nakikita ko.

“Reign! What the hell!? Ano ba!? You’re spacing out! Kanina pa kita tinatawag!”

Gulat akong napatingin kay Sandro nang bigla ay magtaas ito ng boses. Sinubukan kong tumingin sa kaniya pero nang makita nag naiinis niyang itsura ay kaagad din akong napaiwas ng tingin. Damn it! I messed up!

“What’s with you today, Reign? Kanina pa kita napapansin na balisa, at hindi mo rin ako pinapansin. May problema ba, ha?” medyo bumaba na ang tono ng pananalita niya pero hindi pa rin ako makatingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan at panay na rin ang paglunok ko ng laway ko. Ang mga kamay ko rin ay bahagyang nanlalamig at pinagpapawisan.

“Reign, answer me. May problema ba, ha?” tanong na naman niya.

“W-wala naman po, S-sir.”

“I told you stop calling me ‘sir’, Reign.” Parang nagpipigil pang sabi niya dahilan para mapapikit ako ng mariin.

Hindi pa rin ako umimiik at nakiramdam lang sa paligid. Matapos ang panaginip kong iyon ay hindi na ako makatingin ng deretso sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang ang epekto no’n sa‘kin. Naiinis ako.

Tumahimik ang paligid pero hindi pa rin ako makapag-angat ng tingin. Bigla na lang ay isang pares ng sapatos ang tumigil sa harapan ko, alam kong kay Sandro iyon kaya naman kinabahan na naman ako.

“Look at me, Reign.”

Hindi ako kumilos.

“Reign!”

Mariing aniya dahilan para mabilis pa sa alas kwatrong mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Pero nang mapagtanto ko kung gaano kalapit ang katawan niya sa‘kin ay kaagad akong napahakbang paatras, dahilan para mawalan ako ng balanse. Akala ko babagsak ako ng tuluyan sa mismong harapan ng boss ko pero naging alerto si Sandro at mabilis niyang nahawakan ang beywang ko at hinapit ako palapit sa kaniya.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now