Chapter 13
SANDRO's Point of View
I was busy with my paperworks when the door suddenly opened and Reign entered the room. Tumingin ito sa'kin saka dumiretso sa lamesa ko at iniabot sa'kin ang susi ng kotse ko.
Nagtaka ako nang mapansin kong nanginginig ang kamay niya. “H-here...”
Kumunot ang noo ko dahil sa iniasta niya. “Are you okay, Reign? May nangyari ba?”
Kinabahan ako bigla. Baka nadisgrasya ito. Hindi ako nag-aalala sa kotse ko, nag-aalala ako para sa sekretarya ko.
“Your hands are trembling.” Sabi ko.
Tumawa lang siya ng pilit. “H-hahaha. Hindi, okay lang ako.”
“Are you sure?” paninigurado ko pa.
“Yeah, excuse me.”
Hindi na ako nakaimik pa dahil kaagad itong tumalikod sa‘kin saka mabilis na umupo sa swivel chair niya’t humarap sa monitor. Napilitan akong umupo saka inobserbahan siya. Something’s really not right with her.
Napabuntong hininga ako saka kinuha siya ng tubig. Nang makakuha ay lumapit ako sa kaniya’t inilapag ko iyon sa lamesa. “Here, drink it. This might help from calming yourself. And whatever the thing that's bugging you, just brush it off okay? You’ll be fine. Breath, Reign.”
“Thank you, Sandeng.”
Tumango lang ako saka tumalikod na sa kaniya. Bumalik ako sa pwesto ko at naupo. I don’t know if I said the exact word. Now I’m worried. Or am I just overreacting with the small things about her?
Sumulyap ako sa kaniya na kakalapag lang ng baso sa lamesa. Napansin ko ang madalas na paghugot nito ng hininga at saka pinapakawalan ang mga iyon.
‘Ganiyan nga, Reign. Ganiyan nga.’
Huli ko na nalaman na kanina ko pala siya pinagmamasdan. O mas tama yatang sabihin na kanina ko pa siya tinititigan, at hindi na nalihis ang atensiyon ko sa kaniya.
Ngayon ko lang napansin, maganda naman talaga siya. Iba iyong dating niya sa mga babaeng madalas kong makasalamuha. May kakaiba sa kaniya na hindi ko kayang tukuyin kung ano. Pinilit kong hanapin ang tamang salita pero wala akong mahagilap.
Kaagad akong napaiwas ng tingin nang bigla ay tumingin siya sa gawi ko. Napakagat ako sa labi ko at tumagilid ng bahagya para hindi niya ako makita. Ramdam na ramdam ko rin ang pang-iinit ng tenga ko sa hindi ko malamang dahilan.
Damn it.
“Sandeng?”
Mabilis pa sa alas kwatrong tumingin ako kay Reign nang tawagin niya ako. “H-ha?”
Nagtataka siyang tumawa dahil sa naging reaksiyon ko. Bahagya pang nakakunot ang noo niya. “May problema ba?”
“A-ah? Ha? W-wala...”
“Sigurado ka?”
“Hmn, yeah.” I composed myself. “Maiiwan na muna kita rito, I have to go somewhere important.” Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit na kakailanganin ko sa magiging lakad ko. “Iyong lunch, ah? Libre mo ‘ko.”
“Oh, okay. Mag-iingat ka sa labas.” Habilin pa niya sa‘kin at ngumiti lang ako.
REIGN's Point of View
Nakatingin lang ako sa nakasaradong pintuan kung saan lumabas si Sandro mga dalawampung minuto na ang nakakalipas. Oo, gano’n katagal na akong nakatitig sa pintuan nang hindi man lang natitinag o gumagalaw. Nakatitig lang ako sa kawalan at blangko ang isip.
YOU ARE READING
Stuck in Between
FanfictionA Sandro Marcos fanfiction. It hasn't been that long since that night, but Reign just found herself recovering from the pain Roscoe had caused to her without even noticing it. Having Sandro Marcos beside her, her boss and the one who accompanies her...