Chapter 01

863 21 4
                                    

Chapter 01

Reign’s Point of View

I can already feel that I’m a little bit tipsy as I gathered the entire place where I’m currently in using my eyes. The different colors of lights that were dancing in the whole place is making me dizzy. The smell of liquors and cigarettes in the entire place makes me want to puke! The people dancing on the dance floor without proper steppings and just bouncing and jumping from there and here. The loud bang of the music from the speakers makes my ear drums go wild!

What in the place did I just put myself into!? Damn! May duty pa naman ako bukas, yari ako sa boss ko nito!

On a second thought...

I was broken hearted and so here I am, in a bar. Alone. Drowning myself that even just for a span of time, I’ll be able to forget the pain Roscoe had caused to me.

That jerk! That motherfucker! How dare him! Who does he think is he to hurt me like this? Sa ganda kong ‘to, talagang nakuha pa niya akong ipagpalit sa iba!? Tang ina niya, ah! Ang kapal ng balumbunan niya!

“Another shot of whiskey, please...” sabi ko sa bartender saka parang tangang inilapag ang hawak kong shot glass sa bar island.

Tumingin ito sa‘kin na parang nagdadalawang-isip pa. Lumunok ito. “Pero Ma’am, lasing na ho kayo. At sa nakikita ko’y mukhang hindi mo na kaya iyong sarili mo. Delikado po, Ma’am. Wala pa naman po kayong kasama.”

Tipid lang akong ngumiti sa kaniya. “I appreciated your concern but please give me my whiskey, I am paying you here.”

“Ma’am—”

“Broken hearted ako kaya hayaan mo na lang ako!” singhal ko at nakita ko kung paano ito natigilan. “Ano? Asan na?” Hindi pa rin ito gumagalaw kaya naman ubos pasensiya akong napabuntong hininga. “It’ll be my last glass. Please... just give me one.”

“O-okay po...”

Nang iabot nito sa‘kin ang hinihingi ko ay kaagad ko itong nilaghok. Napangiwi pa ako ng maramdaman ko ang mainit na epekto nito sa lalamunan ko.

“Thanks...” nasabi ko na sa bartender saka ako kaagad na bumaba mula sa high chair.

Muntikan pa akong matumba pero naayos ko rin naman ang sarili ko. Pagewang-gewang akong naglakad sa dance floor, hindi alintana ang magulong paligid na pinasok ko.

Nakisayaw ako sa mga taong nandoon. Unti-unti na rin akong nahihilo pero wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid. Magsasayaw ako para sa sarili ko. Magsasayaw akong mag-isa hanggang sa makalimutan ko ng tuluyan ang sakit sa puso ko.

“Aray! Bitch, watch out! You step on my foot!” bigla ay isang nakakarinding boses ang suminghal sa‘kin.

Tiningnan ko ang babaeng iyon pero hindi ko siya kilala. “Sorry,” sabi ko saka tinalikuran siya at muling sumayaw. “Yeah, party! Party!”

“Hey! Don’t do you dare ignore me! I said, hey! You dumb, I’m talking to you!” saka hinablot noong babae kanina ang braso ko!

Inis ko naman siyang tiningnan! “Ano!?” naiinis ko na ring tanong sa kaniya. Pareho kaming naiinis na nakatingin sa isa’t isa. Isa pang nakainom, tsh.

“Don’t you dare talk to me that way! Don’t you know who I am!?” singhal nito sa‘kin. Napangiwi pa ako dahil amoy na amoy ko iyong hininga niyang magkahalong amoy ng sigarilyo at alak.

“Who would give a damn about you!?” pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. “Definitely not me!”

“How dare you!?” mukhang galit na siya. “You fucking step on my foot!”

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now