Basketball

255 6 0
                                    


"Babe nood ka mamaya ha?" rinig kong sabi niya kay kath, may laban kasi yung team namin mamaya. Si Ryan yung star player namin sa team, 2nd lang ako. Ang totoo niyan minsan nanaming pinag agawan si kath, pero syempre mas sikat siya kaya siya yung ginusto ni kath.

Ako kasi hindi. 2nd place lang naman ako eh, saka si kath kasi sa posisyon niya ngayon mas pipiliin nun na magkabf ng sikat kaysa matalino at mabait na gaya ko. Ngumiti si kath sa kanya, "Sure babe." sabi niya tapos kiniss si Ryan sa pisngi bago siya umalis ng gym para sa susunod na klase niya.

"Coach, alis na po ako. May susunod pa akong klase." sabi ko tapos umalis pero bigla akong hinawakan ni Ryan, "Hayaan mong ako gumawa ng score mamaya ha? Assist ka lang." bulong niya tapos tinulak niya na ako paalis.

Ganun lagi ginagawa namin kapag manonood si kath, yung gf niya. Nagpapasikat kasi siya kay kath, kaya madalas siya lang gumagawa ng score. Dahil sikat si kath mabagal siya maglakad sa daming nagbibigay ng roses at chocolates sa kanya, saka madami kasing bumabati sa kanya. Sinubukan kong unahan siya, ang totoo niyan hindi pa kami nag uusap simula nung binasted niya ako. Ewan ko, pero feeling ko mali talaga yung desisyon niya na piliin si Ryan. Di naman kasi mabait si ryan eh. Nagulat ako nung nagkadikit kami medyo nabangga niya ako sa dami ng dala niya, "Sorry." sabay naming sabi. Nakatingin lang siya sa akin, pero may biglang lumapit at yumuko sa harap ko.

"Kuya DJ, tanggapin niyo po tong regalo. Matagal ko na po kayong gusto. Sorry po kung di ko nasabi. Mahal ko po talaga kayo kuya. Mahal na mahal." sabi niya at may hawak siyang box ng chocolate. Hindi ako umimik. Si Alyssa yung nasa harap ko, kaklase ko sa chem. 2nd year college.
"Ah-- Alyssa. Salamat pero.. Hindi kita gusto, kainin mo na lang yang chocolates tapos pumasok ka na sa chem. Masyado ka pang bata Alyssa." sabi ko  at nagpatuloy sa paglalakad papuntang classroom. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Sa may dulo malapit sa bintana. 10 minutes before class at nagulat ako nung umupo si kath sa tabi ko dala-dala yung mga roses at chocolates. Kadalasan sa harap siya umuupo para mapansin ng lahat yung dala niyang mga regalo mula sa ibang tao. Simula nung sumikat siya nag iba na yung ugali niya.

"Wow kath, feb 14 ba ngayon? Pwede ka na magtayo ng factory diyan ng chocolate at garden." sigaw ni Lester isa sa mga kabarkada ko, "Bat ka naandiyan? Pwesto ko yan." sabi niya

"Switch." sabi ni kath

Napakamot na lang si lester sa batok niya, ayaw niya kasing umuupo sa harap. "Pre dito ka na, dun na ako." sabi ko pero hinawakan ni kath yung kamay ko, at tumingin kay Lester ng masama. "Switch." sabi niya

"Sige tol dun na ako. May tama nanaman yang si kath." sabi niya at umupo sa harap kumalas ako sa kapit ni kath tapos umupo.

"Bat di mo tinanggap regalo niya?" tanong niya at tinignan ko siya

"Anong regalo?" tanong ko tapos tinuro niya yung upuan ni Alyssa

"Hindi ko naman siya gusto, so bat ko tatanggapin? Mabuti nang alam niya. Atleast di na siya aasa."

"Pero sana naging mabait ka manlang or something."

"Ganun ba?"

"Oo. Dapat tanggapin mo yung binibigay nila sayo, kasi masakit yun pag di mo tinanggap."

"Pero mas masakit kung tatanggapin mo tapos aasa sila habang ikaw tanggap lang ng tanggap tapos sasabihin mo na ayaw mo sa kanila, trust me kath."

"Pero yun lang ang least way para masaktan sila."

Di niya kasi alam kung paano umasa. Kung paano masaktan. Tumigil ako. "Anong point mo? Bat mo ko kinakausap?" sabi ko tapos natigilan siya, after 4 years kakausapin niya ako? Senior kami sa highschool nung huling pag uusap namin.

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon