Sana sinabi mo na lang (Kung sasabihin ko ba, maniniwala ka? part2)

376 5 2
                                    

Evan's POV:

Akala ko magiging okay ang lahat. Pero lalo lang lumala. Madalas ko siyang makita na may kasamang iba. Madalas ko siyang makita na masaya. Madalas ko siyang makita na okay. Sobrang nasasaktan ako, para kasing sobrang kaya niya kahit wala ako. Habang ako nahihirapan.

Nagbreak na kami ni aira, nalaman ko na siya pala talaga yung nagsimula nung away at di si bee. Sa tuwing magkasama sila ni karl para akong pinapatay. Sobrang nasasaktan na ako di ko na kaya.

5 oras na akong nakatitig sa tulay, pinag iisipan ko kung tatalon ba ako o hindi. Sobrang minalas talaga kasi ako. Natanggal ako sa basketball team dahil pumanget daw ang laro ko. Bumagsak lahat ng grades ko. Sila mama naman at papa maghihiwalay na. Natawa na lang ako bigla, habang umiiyak.

Binuksan ko yung phone ko, at nagtext kay bee. Kahit na alam kong iba na yung number niya. Sa huli, nagdesisyon akong tumayo at umuwi na.

"Pare pwede ba tayong mag usap?" sabi ni karl

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pare tungkol kay kylie."

"Nasayo na siya diba? Ano pang kailangan mo?" sabi ko

"Ikaw." sabi niya, "Ikaw ang kailangan ko kasi kailangan ka niya. Kailangan kitang kausapin kasi gusto kong magkaayos kayong dalawa."

"Nililigawan mo siya diba?"

"Hindi." sabi niya, "Hindi ko siya nililigawan, gusto ka lang talaga niyang kalimutan."

Hindi ako umimik, "Di niya na ko kailangan." sabi ko

"Trust me, she needs you." sabi niya at umalis

Pagakyat ko sa kwarto ko humiga ako sa kama, naririnig ko nanaman yung sigawan nila mama. Naalala ko nung bata pa ako pag nag aaway si mama at papa tumatakas ako ng bahay tapos dun ako kayla bee natutulog. Tapos gigisingin niya ako ng maaga para makabalik ako sa bahay at makapasok sa school.

Tapos minsan, nung pati ako sinaktan ni papa dahil sa galit pumunta ako kay bee ng umiiyak. Sobra yung takot na nararamdaman ko nun, pero nagkaayos ulit kami ni papa. Sa bawat pagpatak ng luha ko, nandiyan si bee. Pero ako? Nandun ba ako sa mga matinding pinagdaanan niya? Wala.

Isang beses ko lang nakita umiyak yang si bee, nung lang akala ko siya nagsimula nung away nila ni aira tapos di ko pa siya kinomfort.

Tinakpan ko yung tenga ko, gusto ko nang matulog. Ayoko nang mag isip. Ayoko nang umiyak. Ayoko na.

--------

Pagpasok ko lahat sila nakagown na, pero ako? t-shirt at jeans lang. Nagulat ako nung may nakabangga akong babae.

"Sorry." agad niyang sinabi

"Bee?"

nagtama yung mga mata namin, walang umiimik, walang gumagalaw, sa sobrang tahimik naming dalawa bumabagal yung oras.

"Oy evan! Sige una na ako." sabi niya at tumalikod pero hinila ko siya

"Mag usap tayo." pinipigilan kong wag umiyak

"Ah wala naman tayong dapat pag usapan eh, at saka isa pa host ako ngayon sa prom natin eh. Sige ha una na ako."

"Please...bee." sabi ko kaya napatigil siya

"Sige." sabi niya at humarap sa akin

"Bee sorry..." sabi ko, "Wala na kami ni aira at saka alam ko na hindi ikaw yung nagsimula nung gulo. Bee babawi ako sayo promise----"

"Wala na kayo kaya babalikan mo ko?" sabi niya, "Ano ko? Laruan? Gamit? Aba ayos evan."

"Bee hindi sa ganun----"

"Eh ano?! Ano sabihin mo?" sabi niya, "Kasi evan sawang sawa na ko. Natatakot na ko eh, natatakot ako na baka masaktan nanaman ako. Pano kung makahanap ka nanaman ng girlfriend sasabihin mo nanaman na mas importante yun kaysa sa akin? Ano pang saysay ng pagiging bestfriend ko sayo kung meron namang mas importante sa akin?"

"Bee, makinig ka muna please."

"Evan please lang layuan mo na ako okay? 7:30 p.m na nagsisimula na yung program."

"Bee, ayokong mawala ka saakin--"

"Hindi ako mawawala evan, dahil hindi naman ako sayo diba?" sabi niya at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig habang umiiyak lumuhod pa ako sa harap niya para patawarin ako at hawak ko pa yung kamay niya

"Bee patawarin mo na ko please gusto kong malaman mo na-----"

"Evan tama na!" sabi niya tapos tumakbo na palayo

Pinagtinginan ako ng ibang tao dun kaya umalis ako, san ako pupunta? Edi dun sa tulay...

Tinawagan ko si karl, at agad naman niyang sinagot.

"Evan nasan ka?!" sabi niya

"Pwede ko bang makausap si bee?! Gusto ko lang magpaalam."

"Ano?! San ka pupunta?!"

"Sa malayong lugar dali na." sabi ko habang umiiyak

Narinig kong inabot niya kay bee, "Evan ano nanaman ba yun? Nagho----"

"Makinig ka muna please." sabi ko, "Bee, gusto kong malaman mo na ikaw yung pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Mahal kita bee.. Alam kong iisipin mo mahal kita dahil bestfriend kita pero hindi, mahal kita kasi mahal kita. Di ko alam pano magpaalam pero sana wag mo kong kalimutan ha? kahit puro kagaguhan lang dinulot ko sayo. Kahit na napakawalang kwenta kong tao. Sorry bee, sorry talaga. Sana pagkatapos nitong gagawin ko maging masaya ka, salamat at naging parte ka ng buhay ko. Gusto ko lang kausapin ka sa natitirang ilang minuto ng buhay ko......" sabi ko at binaba yung phone

Tumitig ako sa ilog at humawak sa kapitan ng tulay, "Tatalon na ba ako?" sabi ko at tumawa

Nakahawak lang ako dun habang inaalala ko lahat ng mga pangyayari sa buhay ko, habang umiiyak ako. Napalingon ako sa paligid, wala na masyadong dumadaan dito.

5 minuto na akong nakatayo dito, natanggal ako sa basketball team, maghihiwalay na parents ko, nalaman kong niloko ako ni aira, bumagsak grades ko at iniwan ako ng pinakaimportanteng babae sa buhay ko.

Tumayo ako dun sa tapat na walang harang, dun ako tatalon para mas mabilis ang pagbagsak ko at saka mas malalim kasi talaga yung part na toh.

Tatalon na sana ako ng biglang may yumakap sa akin, "Bee naman! Sana sinabi mo agad sa akin!" pagkarinig ko nung boses niya naiyak na ko, "Bee, mahal kita mahal na mahal. Ano bang pumasok sa isip mo at mag su-suicide ka! Paksht ka naman eh! Pwede naman ako yung solusyon mo sa problema mo eh! Bee namiss kita! Nakakainis ka, dapat galit pa ko sayo ngayon eh pero di kita matiis." sabi niya

Pagharap ko nakita kong umiiyak siya, niyakap niya ulit ako.

"Bee wag mo nang gagawin toh ha?!" sabi niya habang umiiyak

"Oo bee promise, di ko na kasi talaga alam gagawin ko eh." sabi ko

"Sorry bee dapat nakinig na ko sa explanation mo kanina! Buti na lang natrack namin kung nasan phone mo kundi baka patay ka na ngayon!" sigaw niya habang hinahampas ako na parang bata

"Bee, wag mo na kong iwan ha? Mababaliw ako sobra!"

"Oo bee." sabi niya, "Mahal kita bee."

"Mas mahal kita." sabi ko tapos hinigpitan yung yakap

"Oy ayaw kong makasira ng moment pero guys, baka mahulog kayong dalawa diyan pwede bang dito kayo magmoment? Pwede teh? Pwede?" sabi ni karl

Tapos natawa na kami ni bee, "I love you bee." sabi ko at kiniss siya

"Chansing." sabi niya at tumawa

the end.... :-) heheheheszc

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon