Drake's POV:
Nakaupo siya dun sa bench, nagp-painting at naka earphones.
Nakakaduwag, Nakakatorpe ng sobra ang kagandahan niya.
She was like an angel from heaven.
Sa tuwing iihip ang hangin lalo siyang gumaganda.
Isa siyang prinsesa.
Ako si Drake Rodriguez, 17 years old. Isang art scholar, magaling kasi ako mag paint kaya binigyan ako ng scholarship.
Pinagmasdan ko ulit siya habang nagp-paint siya, gusto ko na talaga siyang lapitan.
Matagal ko nang pinagpaplanuhan na lapitan siya, kaya lang para kasing ang sungit niya.
Pinipinta niya yung sunset, jusko kahit naman di na niya ipinta yun eh. Humarap lang siya sa salamin at may makikita siya na mas maganda.
Lagi siyang naka earphones tuwing makikita ko siya, lagi din siyang nagp-paint at lagi din siyang nandito.
Tumayo na ako dala-dala ang isang sketch pad at pencil, napalunok ako ng malalim at umayos ng tayo at nagpretend na hindi ako kinakabahan.
Pumunta ako dun sa pwesto niya, "Ah ms. pwede bang makiupo?" sabi ko
Pero di siya lumingon, sabagay ang tanga ko naman. Naka earphones nga yung tao tapos tatawagin ko, ano ba yan.
Nagsimula akong magsulat sa sketch pad, Miss pwede ba akong tumabi sa iyo?
Inabot ko yun sa kanya, napatingin siya at binasa yun. Tinignan niya ako na parang gulat, tapos ngumiti siya sa akin at tumango.
Umupo ako sa tabi niya, sa pangalawang pagkakataon nagsulat ako ulit dun sa sketch pad.
Ako si Drake Rodriguez, and you are?
Kinuha niya yung sketch pad at tumingin sa akin, Althea Montiverjen.
Nice name :)
Thanks yung sayo din!
Friends? :)
Tumingin siya sa akin at tumingin ulit sa sketch pad, Sure :)
Napangiti naman ako, Scholar ka din?
Oo scholar din ako.
Ilang taon ka na?
17.
ako din, hahahaha nice.
hahahahaha :)
drake umisip ka ng topic, okay? minsan mo lang makausap yang mahal mo.
May boyfriend ka na?
Ano? HAHAHAHAHAHAHA :D
di nga?
walaaaaaa po :)
ngek ang ganda mo tapos wala kang bf?
wala.
bakit?
ewan ko.
ano yang pinapaint mo?
sunset.
gusto mo ipaint kita?
oo sige tara.
umupo ka diyan, teka ano ba yang pinapakinggan mo?