iLove

256 4 0
                                    


Tick. Tock. Tick. Tock. Tick. Tock. Tick.

5 minutes left kapag hindi ko pa nakuha tong order ko, lagot na talaga ako. Grabe ang dami ko nang dala. Papel, pera, decorations, Iphone at pagkain.

Please yung krushers ko, baka magalit na sila sa akin sobrang tagal ko kasi.

Biglang nagvibrate yung phone ko, shemay tumatawag na si alliette.

(Hello nasan ka na ba? Nagagalit na si ma'am! Ang tagal mo daw!)

"Eto na malapit na umorder lang ako ng makakain natin!"

(Ikaw talaga, dinamay mo lang kami kasi gusto mong bumili ng krushers!)

"Ikaw naman, pagbigyan na eto na promise bye!" sabi ko at agad na binabaan siya ng phone

"Ma'am here's your order!" sabi nung crew

Nilapag ko yung gamit ko sa gilid ng counter tapos hiniwalay ko yung krushers ko sa krushers nila, tapos nag ayos at umalis.

Pero bago ako makalabas biglang may bumangga sa akin, dahilan kung bakit biglang natapon yung krushers ko. UGH!

"Yung krushers ko!!! Mygahd!!!" sigaw ko dun sa nakabangga sa akin pero agad kong naitikom yung bibig ko, ang gwapo kasi

"Ay shit! Jersey ko pa talaga tinapunan mo?! Pati tong KD ko! Ayst! Anubayan ang tanga mo naman!" sigaw niya

Aba sobra naman toh ah, nakakaturn off ugali, "Hoy atleast nasa pilot ako! At saka halata namang fake yang KD at jersey mo eh! At saka ikaw, wag mo kong ginaganyan ha! Akala mo naman kagwapuhan ka!" sigaw ko at umalis pinulot ko pa yung mga gamit ko na nahulog, sa sobrang inis ko di ko na alam kung ano yung mga napupulot ko nasira na nga ata yung ibang pangdecorate eh.

"Hoy bayaran mo toh." sabi niya sa akin

"Hoy hari ng kayabangan, di kita kilala pero unting respeto naman para sa akin at sa krushers ko na nilampaso ko sa sahig!" sabi ko at tuluyang umalis ng kfc

Padabog akong dumating ng room, "Oh ayan na decorations niyo!" sigaw ko

"Hala anyare sayo? Antagal mo" sabi ni ma'am

"Sorry ma'am kasi yung kfc eh may nakasalubong akong mayabang." sabi ko

Kwinento ko sa kanila yung nangyari habang nagagawa kami ng project.

"Uy anong oras na?" tanong ni alliette sa akin

"Wait icheck ko." sabi ko tapos tinignan ko yung iphone ko, i mean... teka nasa bulsa ko lang yun kanina ah!

"Hala yung iphone ko!" sabi ko, napalingon silang lahat sa akin

"Oy hindi magandang biro yan yumi, umayos ka!" sabi ni ma'am

"Sht nahulog ata nung nakabangga ko yung mayabang. Patay! Buo pa kaya yun? Halaaaa!!!" sabi ko na sobrang naiinis

"Alliette samahan mo siya balikan niyo." sabi ni ma'am

"Hindi ma'am ako na lang!" sabi ko tapos agad na kinuha yung bag ko at tumakbo papunta sa kfc

Pagpasok ko agad akong nagpunta sa counter na binilhan ko kanina, "Ah ate! Nakita mo ba yung iphone ko? Kulay black yung case as in plain lang! Tapos yung wallpaper niya ah ano, yung banda na sikat ngayon---ano nga yun... Paramore ate yun! Tapos ano, walang password!" sabi ko habang hingal na hingal

"Ay ma'am nahulog niyo po kanina." sabi niya tapos inabot sa akin

"Waaaaah!!! Thank you ate ha? Thanks talaga!!!" sabi ko at ngumiti

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon