DJ's POV:
"Sige iho salamat, pupunta lang ako sa baba para bayaran yung bill ni daniel. Maiwan muna kita."
si mama ba yun? anong babayaran niya?
"Sige po tita."
sino yun? narinig ko na lumabas si mama ng pinto.
naramdaman ko na umupo yung lalaki sa tabi ko, "bespren, gumising ka na pls. may good news ako sayo. pls bespren."
napamulat ako bigla, "BESPREN?! GISING KA NA!!!!"
agad siyang lumabas tapos tumawag ng doctor, "bespren, naku buti gising ka na! nga pala may news ako sayo!!! teka hintayin mo lang yung doctor, yung good news ko is that...... KAMI NA NI KATH!!! actually pupunta siya dito ngayon!"
Kath's POV:
nandito ko sa tapat ng pinto ni daniel, sinabi ni katsumi na nagkamalay na daw si daniel. iniimbestigahan pa nila yung nangyari kung bakit napunta si daniel dun. bubuksan ko ba yung pinto?
"girl, buksan mo na dali." sabi ni trazy
"oo nga tara na." sabi ni daezen
binuksan ko yung pinto, nakita ko siya na nakahiga, nandun si tita, katsumi at yung doctor.
"Mr. Padilla, may naaalala ka ba? Uhm. Alam mo ba kung ano yung nangyari bago ka maaksidente?" tanong nung doctor
sinara ni daezen yung pinto tapos lumapit kami kay dj, inakbayan ako ni katsumi.
Nakatingin lang si dj dun sa doctor, "Mr. Padilla, nakikilala mo pa ba kami?" sabi nung doctor
tumango si daniel, "S-si mama." sabi niya
"Jusko salamat at naaalala mo pa ko." sabi ni tita at umiyak
"Okay sino pa?" sabi nung doctor
bigla akong kinabahan, "S-si trazy at si daezen."
napangiti sila, "okay and then?" sabi nung doctor
Napatigil si daniel tapos tumingin kay katsumi, "Si kats." sabi niya
"Eh kilala mo ba siya iho?" sabi nung doctor at tinuro ako
napatingin si dj sa akin, hindi ko magets yung expression ng mukha niya. is there something wrong?
biglang humigpit yung hawak ko sa bag ko, napatingin silang lahat sa akin.
"Dj..." sabi ko
"Hindi po doc. Hindi ko po siya naaalala." sabi niya at umiwas ng tingin
nagulat sila, "oh I see, may mga nakalimutan nga si daniel. dahil siguro sa lakas ng impact ng ulo niya sa sahig nung nabangga siya. posibleng magbalik yung alaala niya pero pwede ding hindi. sa ngayon, magiistay po muna siya dito for 1 week para mamonitor po namin siya." sabi nubg doctor
tumango naman si tita, "iho susunod lang ako kay doc para malaman yung mga test na gagawin sayo okay?" paalam ni tita
tumango si daniel, nung nakalabas na si tita. lumapit silang lahat kay daniel except sa akin.
dapat ba kong matuwa dahil hindi na niya ako naaalala? sa paraang yun, maleletgo nanamin ang isa't isa. lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa labas para kumuha ng taxi. habang nakasakay ako sa taxi di ko mapigilang umiyak, tinanong pa nga ako nung driver kung ano daw nangyari. nagbayad ako tapos bumaba, dun muna ako sa condo ko matutulog tinext ko na sila papa.
babe calling....
sinagot ko
"Kath nasan ka alam mo ba------"
BINABASA MO ANG
One Shots: KathNiel
Fanfiction-the way they look at eachother screams 'I love you'.